^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walisin lahat ang 'hoodlum in robes'

-
KUNG mayroong "hoodlums in uniforms" (mga pulis) mayroon ding "hoodlums in robes" (mga hukom). At kung nakatatakot ang mga "hoodlums na naka-uniporme" mas nakatatakot ang "mga hoodlums na naka-roba". Sila ang nagpapasya sa mga kasong isinasampa. Sa isang iglap maaari nilang baligtarin ang desisyon at pumabor sa kabila. Maaari nilang patagalin o madaliin ang kaso. Kung may pera ang magsasampa, madali ang desisyon. Kung walang pera, kawawa ka. Kaya hindi na nakapagtataka kung ngayon ay maging kalakaran na hindi na paabutin sa husgado ang kaso. Gantihan na lang. Ngipin sa ngipin na lamang ang batas. Kung ano ang inutang siya ring kabayaran. Hindi na idadaan sa husgado at baka maimpluwensiyahan lamang ng ganid, suwapang, tamad at bias na hukom. Masisisi ba ang taumbayan kung magrebelde sa kawalan ng katarungan. Sabi nga, dalawa ang ipinagrerebelde ng tao: Kagutuman at kawalan ng katarungan. Gutumin at apihin ang tao at sisilang sa kanyang dibdib ang matinding pagrerebelde.

Isang magandang balita naman na ang Supreme Court pala ay hindi natutulog sa ginagawang kabulastugan at kawalanghiyaan ng mga "hoodlums in robes". Noong nakaraang taon, 56 na hukom ang pinarusahan ng Supreme Court. May kabuuang 582 na ang mga hukom na kanilang pinarusahan, ayon kay Justice Artemio Panganiban mula pa noong 1986. "Sila ay mapanganib sa lipunan. Mas masahol pa sila sa mga kriminal na kanilang sinentensiyahang makulong," sabi ni Justice Panganiban. Si Panganiban ang chairman ng Supreme Court’s 2004 Judical Excellence Committee.

Ang 56 na "hoodlums in robes" ay pinarusahan dahil sa imoralidad, masamang asal, masamang gawain, pag-abuso sa tungkulin, hindi makatuwirang hatol, pag-atrasado sa desisyon sa kaso at kapabayaan. Noong 2002, pitong hukom ang sinibak sa tungkulin at 91 pa ang sinuspinde at pinagmulta. Ito ay bahagi ng kampanya ng Supreme Court sa mga "hoodlums in robes".

Masahol pa sila sa criminal gaya ng sinabi ni Panganiban. Totoo ito. Dahil sa mga corrupt na hukom kaya marami ang nagrerebelde. Marami ang inilalagay sa kamay ang batas sapagkat nagiging biktima ng hukom na mukhang pera, abusado, tamad at hindi alam ang tungkulin. Paigtingin pa ng Supreme Court ang kanilang kampanya laban sa mga "hoodlums in robes" upang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa judiciary. Marami pang "hoodlum in robes" sa ngayon at dapat lamang sila madurog.

HOODLUMS

HUKOM

JUDICAL EXCELLENCE COMMITTEE

JUSTICE ARTEMIO PANGANIBAN

JUSTICE PANGANIBAN

KUNG

MARAMI

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with