^

PSN Opinyon

Pagkain ng daing na isda nakaka-cancer?

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
NARITO pa ang karugtong ng mga katanungan tungkol sa cancer. Kaugnay pa rin ito sa pagdiriwang ng "Cancer Consciousness Week".

Bakit ang cancer sa nasopharynx ay madalas na umatake sa mga Chinese?


Ang pagkain ng mga daing na isda sa maraming lugar sa China at Hong Kong ay pinaniniwalaang dahilan nang pagkakaroon ng cancer sa nasopharynx ng mga Chinese. Isang virus ang natuklasan at ito ang sinasabing dahilan sa development ng iba’t bang uri ng cancer sa nasopharynx sa nabanggit na mga lugar. Ang cancer sa nasopharynx ay karaniwan na ring tumatama sa mga Pilipino.

Ang tumor ba na nadiagnosed na benign ay nagiging cancerous?


Ang benign tumor ay hindi nagiging cancerous. However, although not probable, it is always a possibility no matter how remote.

Ang pag-aasawa ba ng babae sa murang edad ay nagiging dahilan ng cancer sa cervix o kuwelyo ng bahay bata?


Ang cancer sa cervix ay karaniwan sa mga kababaihang may edad na 35 hanggang 55 lalo na sa mga may poor personal hygiene, sa mga nag-asawa sa murang edad, sa mga nanganak nang marami at doon sa mga kababaihang kung sinu-sino at iba’t ibang lalaki ang nakakatalik.

Kailan nagiging makirot ang cancer?


Ang cancer kapag nasa early stage ay hindi masakit. Makadarama lamang ng kirot kapag ang cancer ay nagkaroon ng pamamaga. Ang cancer na nasa advanced stage ay makirot lalo na kapag may nerve involvement, damage sa buto o pressure sa sensitive areas.

BAKIT

CANCER

CANCER CONSCIOUSNESS WEEK

HONG KONG

ISANG

KAILAN

KAUGNAY

MAKADARAMA

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with