^

PSN Opinyon

Bonus

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Kaso ito ng grupo ng empleyado sa isang book at printing company. Kumikita ang kompanya ng P600,000 mula sa kapital na P2 milyon kung saan ang P90,000 nito ay inilaan na para sa kanilang katulad ng tatlong nagdaang taon kung saan binigyan sila ng bonus ng kompanya.

Subalit sa taong ’yun, nagdeklara ng strike ang unyon para sa mas maayos na kondisyon sa trabaho. Napatunayan namang legal ang nasabing strike. Subalit hindi makalimutan ng kumpanya ang ginawang strike ng unyon kung saan naniniwala itong naging sanhi ng pagkalugi ng kumpanya. Kaya, nang itinigil ng kumpanya ang pagbibigay bonus, iginiit nilang ang pagkalugi ay sanhi ng pinsalang naidulot ng strike sa negosyo. Tama bang ipagkait ng kumpanya ang bonus ng mga empleyado nito?

MALI.
Ang bonus, hindi man isang obligasyon, ay dapat na ibigay sa mga empleyado lalo na at ito ay nailaan na sa kanila sa taong ’yun ng kumpanya. Bukod dito, tatlong taon nang nagbibigay ng bonus ang kumpanya kaya masasabing isa na itong ganap na kasunduan na bahagi ng suweldo ng isang empleyado.

Samantala, ang strike na ibinigay na dahilan ng kompanya ay napatunayan namang legal. (Phil. Educ. vs. CIR, 92 SCRA 381).

BONUS

BUKOD

KASO

KAYA

KUMIKITA

KUMPANYA

NAPATUNAYAN

SAMANTALA

SUBALIT

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with