^

PSN Opinyon

Ang 'asim' ni Taulava

- Al G. Pedroche -
MATINDI talaga ang "asim" ni Talk N’Text cager Paul Asi Taulava kaya hindi malunok ni PBA commissioner Noli Eala. May ruling na ang Korte na Pilipino si Taulava at puwedeng maglaro. Pero naglabas ng salungat na ruling si Eala. Tahasan pa ring iginiit na "inelligible" maglaro si Taulava. Hindi si Taulava ang ipinaglalaban natin kundi ang batas na dapat ituring na sagrado.

Kahit Presidente ng Pilipinas ay hindi puwedeng baliin ang utos ng Korte. Maaaring umapela o mag-mosyon. Pero hangga’t umiiral at di binabago ang kautusan, hindi ito puwedeng baliin. Kaya nakaamba ngayon ang kasong contempt of court laban kay Eala. Isasampa ng legal counsel ni Taulava na si Atty. Eduardo Francisco.

Ang marketting slogan ng PBA sa telebisyon ay "ASTIG" which means toughie o tigasin. Tigasin nga ba si Eala o may mga nagmamanipula sa kanya sa PBA? Nagtatanong lang. But Mr. Eala should realize na ang ginagawa niya’y tahasang pambabastos sa Korte.

Ayon sa ruling ng Korte (Manila RTC), sa mata ng batas ay Pilipino si Taulava. Isang pagkamamamayan na hindi puwedeng bawiin kahit iyan ang gusto ng Department of Justice at PBA. Kaya tingnan natin kung paano didiskarte si Eala pagharap naman sa Quezon City RTC sa sala ni Judge Rogelio Pizarro para ipaliwanag ang tahasang "pambabastos" niya sa order ng Korte noong Enero 26.

Sa pagkaalam ko’y atorni rin itong si Komisyuner pero bakit kaya itinataya ang kanyang propesyon sa pagbale-wala sa utos ng Korte na sinasabi niyang hindi pa executory? Sabi nga ng barbero kong si Mang Gustin, "nagtatangatangahan yata".

Puro "gobbledygook" o walang kawawaang pahayag ang rason ni Eala nang bawalan si Taulava na maglaro sa mga susunod na games ng PBA finals. Worst, ibinigay ni Eala sa Ginebra ang pinaghirapang panalo ng Talk N’Text (sa iskor na 89-71) sa Game 1. Iyan ngayon ang gagamiting pruweba ni Atty. Francisco sa paghahabla kay Eala.

Sa ruling ni Eala, binaluktot pa ang resolusyon ng DOJ na nagsasabing si Taulava ay "probably not a Filipino" upang palitawing si Taulava ay "not a Filipino." inalis yung probably. Pag sinabing probably, hindi tiyak iyon. Posibleng Pilipino o posibleng hinde. Tsk, tsk..kay sagwang sistema.

DEPARTMENT OF JUSTICE

EALA

EDUARDO FRANCISCO

JUDGE ROGELIO PIZARRO

KAHIT PRESIDENTE

KORTE

TALK N

TAULAVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with