Naobserbahan ng mga experts na ang mga sanggol na pinasuso ng ina ay mas matalino, malusog, masayahin at hindi pala-away gaya ng mga batang pinasuso sa tsupon (bottle feeding). Madali ring magtantrums ang mga batang hindi nakasuso ng gatas na ina.
Sa mga kinder at nasa primary grades mapupuna na mas madaling makipagkaibigan ang mga batang na breastfeed kaysa ma batang sumususo sa tsupon. Ang mga batang lumaki sa gatas na nasa tsupon ay kadalasang KSP (kulang sa pansin) at parang may insecurities sa buhay. Hindi sila open at laging gustong mapag-isa. Mga arogante at parang nakikipag-away sila habang silay nagsasalita. Ang mga sumususo ng gatas ng ina ay walang behavioral problems at higit sa lahat ligtas sa sakit sa puso at obesity.