^

PSN Opinyon

Nananakit ang katawan, take Paracetamol

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
NARITO ang katugunan ko sa sulat na ipinadala ni F.M. ng Tacloban City: Maraming tao ang nakararanas ng rheumatic spells. Tama ang iyong ginagawa na gumagamit ng maligamgam na tubig para mawala ang mga sintomas. Ganoon pa man, sakali at hindi tumigil ang pamamanhid o ang sakit na nararamdaman, kailangan mo nang mag-take ng painkillers na kagaya ng Paracetamol. Kung ang nararamdamang sakit ay grabe, maaari kang mag-take ng Tramadol. Pilitin mong malaman kung ano ang dahilan ng iyong problema at kung maaari, kumunsulta sa iyong doktor. Watch your meal and try not to take so much fat and salt.

Para naman kay Jessie Chua ng Pasig City:
Tama ang ginagawa mong pagpapahinga pagkatapos ng basketball. Ang mga tinitake mong medicines ay okey lang. Kung maari, subukan mong lagyan ng warm compress ang apektadong area. Maari kang mag-take ng ibang medications na prescribed ng iyong doktor.

Para kay Jennifer Cabreros ng Manila:
Ang pagkakaroon ng kakambal ay mahirap din. You may or may not have familiar tendencies at all. Maaari kang magpa-DNA test sa alinmang ospital na gugustuhin mo. Maaari kang pumunta sa Fabella Hospital sa Maynila.

Para kay F. Tutud ng Mabolo City:
Hindi ko alam kung makabibili ka ng Lumbrokinase sa Cebu. Titingnan ko. Ang sigurado, mabibili dito sa Manila ang Lumbrokinase. Magtanong sa Mercury Drug.

Para kay Ms. Virgo:
Ang varicose veins mo ay maaaring ma-cured ng Daflon. Ang vein stripping ay maaari lamang gawin sa mga maseselang kaso. You can use warm water for your treatment.

FABELLA HOSPITAL

JENNIFER CABREROS

JESSIE CHUA

LUMBROKINASE

MAAARI

MABOLO CITY

MS. VIRGO

PASIG CITY

TACLOBAN CITY

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with