^

PSN Opinyon

Alay sa Dumagat gagawin ngayon

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SA pananalasa ng sunud-sunod na bagyo nong Nobyembre 2004 sobrang apektado rin ang mga Dumagat ng Sierra Madre kaya napagkaisahan ng mga organizers ng taunang ‘‘Alay Sa Dumagat’’ sa pamumuno ng mag-asawang Dr. Rene at Amy Santos na mas maraming pagkain, gamot at damit ang ipamudmod sa mga katutubo sa gaganaping outreach program ngayong araw sa Angat Dam na nasa Hilltop ng NAPOCOR sa Norzagaray, Bulacan.

Ang ‘‘Alay Sa Dumagat’’ ay inilunsad ng yumaong Defense Secretary Alejo Santos matapos ang Second World War. Si Sec. Santos ang namuno sa mga gerilya kabilang ang mga Dumagat na nakipaglaban sa mga Hapones.

Ilan sa mga aktibo sa naturang mapagkawanggawang misyon na ginaganap tuwing 2nd Sunday of January ay ang Philippine Medical Association, APMA nina Amy Santos, Taipeh Economic and Cultural Office in Manila, La Loma Quezon City, Lions Club nina Jojo Veterbo at Dr. Tan, Bahag-hari Lions Club ng Quezon City, Retirees Activities Office, Kapalaran Lodge ng PNP Crame, Soroptomists International Philippine Region, Manila Host Club, Eusebio Sy, Kagawad Leonardo Nepomuceno at marami pang volunteer public servants kabilang ang inyong ‘‘Mahal."

ALAY SA DUMAGAT

AMY SANTOS

ANGAT DAM

DEFENSE SECRETARY ALEJO SANTOS

DR. RENE

DR. TAN

DUMAGAT

EUSEBIO SY

JOJO VETERBO

LIONS CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with