Sa masusing pagtingin sa anatomy of the human body lubos tayong maniniwala na tanging ang Diyos lamang ang makalilikha ng tao na ayon sa kanyang hugis at anyo. Sadyang mahiwaga kung bakit ang bawat parte ng katawan ay nagawang pag-ugnayin sa kanilang disenyo, angkop na kagamitan at sa tamang lugar. Isa sa mahiwagang bahagi ng katawan ay ang mata na nagsisilbing ilaw at nagtutugma sa bawat bagay para ganap na maintindihan ng isip at pananaw.
Ang mga bagay na ating nakikita ay nagre-reflect ng light rays tungo sa loob ng mata. Ang cornea at lente ng mga mata ay itutuwid ang naturang reflection para magtagpo sila sa retina at tatagos sa optic nerve tungo sa utak para ma-identify ang anumang bagay o object.
Ang myopia ay isang vision defect kung saan ay nakararanas ng malabong paningin lalo na kapag ang tinitingnang bagay ay malayo kasi ang eyeball ay masyadong mahaba mula sa harap hanggang likod at ang light rays mula sa malayo ay magtatagpo bago sila pumasok sa retina kaya lumalabo ang paningin. Mapupuna ang mga may myopia sa mga estudyante na malabo ang tingin sa blackboard gayundin sa signboard ng mga sasakyan.
Ayon kay Dr. Fe Flores-Cataquiz, ang myopia ay malulunasan ng eyeglasses at contact lenses na ang lente ay tinatawag na concave lenses. Bukod sa praktikal na solusyon ito ay mura pa. Binigyan-diin ni Dr. Cataquiz na sumangguni sa mga lisensiyadong optometrist lamang para sa tamang lens prescription. Sa karagdagang kaalaman matatawagan si Dr. Cataquiz sa 5329015.