^

PSN Opinyon

Ano ang myopia?

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Happy New Year sa lahat!

Sa masusing pagtingin sa ‘‘anatomy of the human body’’ lubos tayong maniniwala na tanging ang Diyos lamang ang makalilikha ng tao na ayon sa kanyang hugis at anyo. Sadyang mahiwaga kung bakit ang bawat parte ng katawan ay nagawang pag-ugnayin sa kanilang disenyo, angkop na kagamitan at sa tamang lugar. Isa sa mahiwagang bahagi ng katawan ay ang mata na nagsisilbing ilaw at nagtutugma sa bawat bagay para ganap na maintindihan ng isip at pananaw.

Ang mga bagay na ating nakikita ay nagre-reflect ng light rays tungo sa loob ng mata. Ang cornea at lente ng mga mata ay itutuwid ang naturang reflection para magtagpo sila sa retina at tatagos sa optic nerve tungo sa utak para ma-identify ang anumang bagay o object.

Ang myopia ay isang vision defect kung saan ay nakararanas ng malabong paningin lalo na kapag ang tinitingnang bagay ay malayo kasi ang eyeball ay masyadong mahaba mula sa harap hanggang likod at ang light rays mula sa malayo ay magtatagpo bago sila pumasok sa retina kaya lumalabo ang paningin. Mapupuna ang mga may myopia sa mga estudyante na malabo ang tingin sa blackboard gayundin sa signboard ng mga sasakyan.

Ayon kay Dr. Fe Flores-Cataquiz, ang myopia ay malulunasan ng eyeglasses at contact lenses na ang lente ay tinatawag na concave lenses. Bukod sa praktikal na solusyon ito ay mura pa. Binigyan-diin ni Dr. Cataquiz na sumangguni sa mga lisensiyadong optometrist lamang para sa tamang lens prescription. Sa karagdagang kaalaman matatawagan si Dr. Cataquiz sa 5329015.

vuukle comment

AYON

BINIGYAN

BUKOD

DIYOS

DR. CATAQUIZ

DR. FE FLORES-CATAQUIZ

HAPPY NEW YEAR

ISA

MAPUPUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with