Sinabi ni Dr. Pascual na batay sa statistics mas maraming babae kaysa lalaki ang nagkakaroon ng karamdamang ito dahil mas madaldal ang mga babae. Sa mga 65-anyos pataas ay 12 to 15 percent ang nagkakasakit nito. Sa 75 years old and above ay 23 to 30 percent samantalang ang 55 years old and above ay 47percent.
Ang Alzheimers Disease na ikinamatay ng dating US President Ronald Reagan ay walang lunas. Hindi rin alam kung bakit nagkakaroon nito. Ang mga sintomas nito, ayon kay Dr. Pascual, ay ang pagiging malilimutin, mainitin ang ulo, laging uneasy and irritable, malimit na nakakalimutan kung saan inilalagay o naiwan ang isang bagay. Hirap din silang magdesisyon, ayaw maligo, ayaw kumain, parang may kinatatakutan at suspisyoso o mapaghinala sa mga kasambahay na hindi matandaan ang mga pangalan.
Sabi ni Dr. Pascual ang mga risk factors ng karamdamang ito ay maling diet at lifestyle, low education, environment at itoy prevalent sa mga babaing namemenopause.