^

PSN Opinyon

Alzheimer's disease

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
BAWAT tao ay may 14 billion brain cells pero habang tumatanda ay lumiliit ang utak at ang brain cells ay hindi na gaanong gumagana hanggang sa tuluyang maglaho. Dito nag-uugat ang Alzheimer’s disease na ayon kay Dr. Concordia Pascual ay bunga ng anumang ‘‘injury’’ at mga sakit gaya ng alta presyon, hydrocephalous, paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Sinabi ni Dr. Pascual na batay sa statistics mas maraming babae kaysa lalaki ang nagkakaroon ng karamdamang ito dahil mas madaldal ang mga babae. Sa mga 65-anyos pataas ay 12 to 15 percent ang nagkakasakit nito. Sa 75 years old and above ay 23 to 30 percent samantalang ang 55 years old and above ay 47percent.

Ang Alzheimer’s Disease na ikinamatay ng dating US President Ronald Reagan ay walang lunas. Hindi rin alam kung bakit nagkakaroon nito. Ang mga sintomas nito, ayon kay Dr. Pascual, ay ang pagiging malilimutin, mainitin ang ulo, laging uneasy and irritable, malimit na nakakalimutan kung saan inilalagay o naiwan ang isang bagay. Hirap din silang magdesisyon, ayaw maligo, ayaw kumain, parang may kinatatakutan at suspisyoso o mapaghinala sa mga kasambahay na hindi matandaan ang mga pangalan.

Sabi ni Dr. Pascual ang mga risk factors ng karamdamang ito ay maling diet at lifestyle, low education, environment at ito’y prevalent sa mga babaing namemenopause.

vuukle comment

ANG ALZHEIMER

DITO

DR. CONCORDIA PASCUAL

DR. PASCUAL

HIRAP

PASCUAL

PRESIDENT RONALD REAGAN

SABI

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with