Para kay Agustin Corpus ng San Mateo, Rizal: Mas makabubuting kumunsulta ka sa isang specialist sapagkat baka ang tumor na iyan ay cancer sa nasopharynx. Ang mga signs at sintomas na iyong binanggit ay malaki ang kaugnayan sa cancer na aking nabanggit. Ang pagtreat sa cancer of nasopharynx ay sa pamamagitan ng radiation therapy at ng chemotheraphy. Please check for any type of tumor.
Para kay Angelito Romoro ng Bacoor, Cavite: Ang cancer sa prostate ay maaaring malunasan sa pamamagitan ng Androcur, Flutamide, etc Ganoon man kailangan itong ma-monitor nang lubusan. Halimbawa, suriing mabuti kung ang pasyente ay mayroong bone metastases na maaaring magamot sa radiation o ng Aredia. Hindi ko alam kung mayroong libreng gamot para rito. May free radiation theraphy sa Rizal Medical Center, Philippine General Hospital at Jose Reyes Medical Center.
Para kay Jovita Manlangit ng Bulacan: Ang lahat ng mga symptoms na iyong binanggit ay identified sa Parkinsons disease. I am happy that you have been successful in helping the patient. As you very well know, this condition does not have any treatment except for symptomatic treatment.
Para kay Z.D.M. ng Baguio City: Maaari kang gumamit ng Daflon para sa iyong varicose veins. Tama lamang na itaas mo ang iyong mga legs dahil makatutulong ito sa iyong mga varicose veins.
Para kay Ruben Batoon ng Marikina: Ang iyong nararamdaman ay dahil sa kakulangan ng tulog. Gayunman ang mga nararamdaman mong symptoms ay dapat mong ikunsulta sapagkat baka maging dahilan ng kung ano pa man. Kumunsulta ka sa Jose Reyes Medical Center, PGH at Rizal Medical Center para sa libreng treatment.