^

PSN Opinyon

Radiation therapy para sa cancer of nasophrarynx at prostate

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
BUMABATI ako ng Maligayang Pasko sa lahat ng mambabasa ng Pilipino Star NGAYON.
* * *
Marami ang nagpadala sa akin ng mga katanungan at narito ang mga sagot ko. Humihingi ako ng pasensiya kung ngayon lamang ito nasagot.

Para kay Agustin Corpus ng San Mateo, Rizal:
Mas makabubuting kumunsulta ka sa isang specialist sapagkat baka ang tumor na iyan ay cancer sa nasopharynx. Ang mga signs at sintomas na iyong binanggit ay malaki ang kaugnayan sa cancer na aking nabanggit. Ang pagtreat sa cancer of nasopharynx ay sa pamamagitan ng radiation therapy at ng chemotheraphy. Please check for any type of tumor.

Para kay Angelito Romoro ng Bacoor, Cavite:
Ang cancer sa prostate ay maaaring malunasan sa pamamagitan ng Androcur, Flutamide, etc… Ganoon man kailangan itong ma-monitor nang lubusan. Halimbawa, suriing mabuti kung ang pasyente ay mayroong bone metastases na maaaring magamot sa radiation o ng Aredia. Hindi ko alam kung mayroong libreng gamot para rito. May free radiation theraphy sa Rizal Medical Center, Philippine General Hospital at Jose Reyes Medical Center.

Para kay Jovita Manlangit ng Bulacan:
Ang lahat ng mga symptoms na iyong binanggit ay identified sa Parkinson’s disease. I am happy that you have been successful in helping the patient. As you very well know, this condition does not have any treatment except for symptomatic treatment.

Para kay Z.D.M. ng Baguio City:
Maaari kang gumamit ng Daflon para sa iyong varicose veins. Tama lamang na itaas mo ang iyong mga legs dahil makatutulong ito sa iyong mga varicose veins.

Para kay Ruben Batoon ng Marikina:
Ang iyong nararamdaman ay dahil sa kakulangan ng tulog. Gayunman ang mga nararamdaman mong symptoms ay dapat mong ikunsulta sapagkat baka maging dahilan ng kung ano pa man. Kumunsulta ka sa Jose Reyes Medical Center, PGH at Rizal Medical Center para sa libreng treatment.

AGUSTIN CORPUS

ANGELITO ROMORO

BAGUIO CITY

JOSE REYES MEDICAL CENTER

JOVITA MANLANGIT

MALIGAYANG PASKO

PARA

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

RIZAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with