^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kulang sa baril ang mga pulis

-
USO ang holdapan sa banko, pampasaherong bus, FX at dyipni. Matataas na kalibre ng baril ang dala ng mga holdapers. Wala na silang pinipiling oras sa pagsalakay at desidido silang pumatay at mamatay. Katulad nang ginawa ng isang grupo ng mga holdaper na pinasok ang Banco de Oro branch sa Valenzuela City noong nakaraang linggo. Matataas ang dalang baril, M-16, M-14, grenade launchers at mga granada. Nagkaroon ng habulan sa may Malinta tollgate at unang tinamaan ang isa sa mga nagrespondeng pulis na ang dala lamang ay maiikling baril na aywan kung kumpleto pa sa bala. Nagpatuloy ang habulan at nagkabakbakan na. Dumating ang reinforcement mula sa Special Forces at SWAT at saka lamang natimbog ang may 12 holdaper. Tatlo ang napatay sa mga holdapers na kabilang sa "Waray-waray gang". Isang pulis nga ang namatay at may dalawa pang sibilyan ang tinamaan ng ligaw na bala.

Kawawa naman ang Philippine National Police (PNP) sapagkat no match ang kanilang mga baril sa "kargada" ng mga holdapers. Kung hindi nasaklolohan ng ibang unit, baka nakatakas ang mga "halang ang kaluluwa" at nagpapakalunod na sa sangkatutak na perang nakulimbat nila. Kapag naubos na ang nakulimbat, babanat na naman. Malakas ang kanilang mga loob na mangholdap sapagkat kaya naman nilang labanan ang kapulisan na salat na salat sa armas. Kakaawa naman ang PNP.

Bilib it or nat pero 35,000 sa may kabuuang 117,000 pulis sa buong bansa ay walang baril. Nakagugulat ang bilang ng mga pulis na walang baril. Kaya naman pala maraming pulis ang tumitimbuwang kapag umatake ang mga "halang ang kaluluwa". Kapag may nangyaring holdapan sa dyipni o FX, hindi man lamang makaporma ang pulis na pasahero sapagkat wala nga siyang baril. Masyadong delikado ang kanilang kalagayan na isang alagad ng batas pero walang armas para maipagtanggol ang taumbayan at ang sarili. Hindi naman maaaring batuta ang kanyang dalhin. Ano ang laban ng batuta sa M-16 rifle?

Ito ang problema ni PNP chief Dir. Gen. Edgardo Aglipay kaya nang humarap siya sa Senate committee on Finance, hiniling niya sa mga senador na aprubhan ang P135.197 billion proposed budget ng PNP para sa 2005. Kung maaprubahan ang kanilang inihahaing budget, ang kakulangan sa armas ng mga miyembro ng PNP ay masosolusyunan. Maaari nang makabili ng mga matataas na kalibre ng baril para matapatan ang mga holdaper.

Kung maaaprubahan ang budget dapat namang siguruhin ni Aglipay na ang iisyuhan niya ng baril ay mga pulis na hindi "bugok" at hindi ito gagamitin sa kawalanghiyaan.

BARIL

EDGARDO AGLIPAY

KAPAG

MATATAAS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PULIS

SPECIAL FORCES

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with