Ayon kay orthopedic surgeon Dr. Rene Santos mahalaga ang tamang pagkilos ng bone joints. Malaking problema kapag hindi maigalaw ang balikat, siko, daliri, tuhod at pigi.
Sabi ni Dr. Santos ang kapansanan ay pangkaraniwang nakukuha sa katandaan at pinsala sanhi ng pagkahulog, pagkadulas, impeksyon, rayuma, arthritis, tumor o kanser. Subalit sa makabagong paraan ang mga nasabing bahagi ng katawan ay napapalitan at nagagamit sa limitadong paraan sa pamamagitan ng replacement ng ibat ibang uri ng metal na hindi kinakalawang at hindi nagbibigay ng sakit sa katawan. Gamot din ang porselana at plastik.
Ang karaniwang pinapalitan ay ang pigi at ang tuhod dahil ang mga ito ang nagdadala ng bigat ng katawan. Ang mga daliri na hindi maibaluktot ay napapalitan din ng silicone. Sabi pa ni Dr. Santos ang huling paraan ay ang micro surgery na paglilipat ng isang bahagi ng katawan sa napinsalang bahagi gaya ng daliri sa kamay at daliri sa paa.