^

PSN Opinyon

Nakaaamoy ako ng estrella sa balikat ni Sr. Supt. Laciste

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NADAGDAGAN na naman ang feathers in the cap ni Sr. Supt. Federico Laciste Jr. ang hepe ng CIDG National Capital Region (NCR) bunga sa paglansag nito ng Butchoy Gang sa isang engkuwentro sa Valenzuela ng nagdaang linggo kung saan tatlong miyembro nito ang nalagas at 14 pa ang naaresto. Siyempre, hindi lang si Laciste ang dapat purihin, saluduhan din natin si PNP chief Dir. Gen. Edgar Aglipay dahil sa liderato lang niya nabawasan ang kaso ng bank robbery sa kapanahunan ng Kapaskuhan. Noong nagdaang mga taon kasi, halos araw-araw ang bank robbery, pero kahit mahirap ang pera sa ngayon hindi makuhang magsagawa nang malawakang nakawan ang mga bank robbers, kabilang na ang Butchoy Gang dahil 24-oras ang pulisya natin sa kalye. At nagbunga nga ang kasipagan ni Laciste ng ma-neutralize ng tropa niya ang Butchoy Gang, ilang oras lang matapos nilang looban ang Banco de Oro branch sa Barangay Dalandanan, he-he-he! Mukhang naaamoy ko na ang estrella sa balikat ni Laciste ah!

Nagsimula ang suwerte sa buhay ni Laciste nang may makuha siyang informant na nagsasabing sa anumang oras man ay sasalakay ang Butchoy Gang. Sa tulong din ng nasabing informant, inuumpisahan ng mga bataan ni Laciste ang lihim na pagtugaygay sa sasakyan ng mga suspect, lalo na sa limang safehouse nila sa northern at southern Metro Manila. Halos tatlong linggo ring nagpuyat ang mga bataan ni Laciste at nagulantang siya noong Martes nang tawagan siya ng informant na lumabas ang mga miyembro ng Butchoy Gang na armado at mukhang may trabaho sila. Kaagad tinawagan ni Laciste si Aglipay kung saan inutusan siya nito na isagawa na ang pag-neutralize sa grupo. Kaya’t nai-flash alarm kaagad ni Laciste ang license plate ng van na gamit ng mga suspect, sabay tawag ng case conference para planuhin kung paano nila eengkuwentruhin ang Butchoy Gang nga.

Ang mga tinawagan ni Laciste ng tulong ay ang Valenzuela City police, RSAU ng NCRPO, RIID ng NCRPO, Special Action Force at ang Bulacan police. Ang alam lang ng tropa ni Laciste ang Butchoy gang ay titira sa banko sa Quezon City, Bulacan at area ng Nothern Police District (NPD). Halos dalawang oras ding hinanap ng tropa ni Laciste ang sasakyan ng Butchoy Gang bago mamataan nila ito sa Bgy. Dalandanan at doon na nila ito naengkuwentro.

Kaya hindi nagkamali si Aglipay na magtiwala sa kakayahan ni Laciste. Ito kasing si Laciste ang namuno ng isang team noong hepe pa si Aglipay sa AID-SOTF kung saan sunud-sunod ang isinagawa nilang paglansag ng mga shabu laboratory sa bansa. Sa kasagsagan ng tagumpay ng kampanya ng gobyerno ni Pres. Arroyo sa droga, ang mga kritiko ni Laciste ay nagpakalat ng balita na ‘‘pasok’’ siya sa drug syndicate. Grabe, di ba mga suki? Nagtrabaho ka na eh kaiinggitan ka pa! At sa pag-upo ni Laciste sa CIDG-NCR. Aba sunud-sunod din ang accomplishment niya laban sa criminal syndicates lalo na ’yaong involve sa bank robbery. Ang unang nalipol ay si Allan Balimbingan ang No. 6 most wanted sa bansa bago ang Butchoy Gang. Ikakalat din kaya ng mga detractors ni Laciste na ‘‘pasok’’ rin siya sa bank robbery group? Abangan!

vuukle comment

AGLIPAY

ALLAN BALIMBINGAN

BARANGAY DALANDANAN

BULACAN

BUTCHOY

BUTCHOY GANG

EDGAR AGLIPAY

GANG

LACISTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with