^

PSN Opinyon

Madali lang ang operasyon sa luslos

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG luslos (hernia) ay nakamamatay kapag napabayaan. Ito ang babala ni Dr. Rene Mendoza, isang general cancer and laparoscopic surgeon ng Far Eastern University Hospital. Sinabi ni Dr. Mendoza na ang mga lalaking may luslos ay dapat na magpatingin kaagad sa doktor at kapag malubha na ay dapat nang magpa-laparoscopic surgery. Pinabulaanan niya ang balitang masakit ang naturang surgery. Sinabi niya na madali lang itong isagawa at hindi masasaktan ang pasyente.

Isa pa ring mistaken notion ang itinuwid ng batambatang doktor na nagtuturo rin sa Fatima School of Medicine, ay tungkol sa pagiging genetic ng hernia. Sabi niya ang luslos ay hindi namamana. Kapag may luslos ang ama ay hindi nangangailangan na magkakaluslos din ang anak. Hind rin siya naniniwala na nagkakaluslos ang lalaki dahil sa pagbubuhat ng mabibigat. In layman’s term ipinaliwanag ni Dr. Mendoza na ang luslos ay dulot ng isang butas sa may singit kaya sa butas na iyon pumapasok ang bituka. Bumababa ang bituka tapos ay sumasandal sa abdominal wall. Ayon kay Dr. Mendoza tanging operasyon lamang ang lunas sa luslos.

vuukle comment

AYON

BUMABABA

DR. MENDOZA

DR. RENE MENDOZA

FAR EASTERN UNIVERSITY HOSPITAL

FATIMA SCHOOL OF MEDICINE

ISA

KAPAG

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with