Sinabi ni Dr. Velasco na para maiwasan ang ANUG ay huwag magpahiram ng toothbrush. Dapat na linisin ang sipilyo at ibabad sandali sa kumukulong tubig bago gamitin. Dapat na takpan na mabuti ang mga sipilyo.
Binigyang-diin ni Dr. Velasco na hindi dapat makipaghalikan ang sinumang dumudugo ang gilagid at bibig at baka mahawa ng viral, bacterial o fungal infection gaya ng AIDS. Hepatitis B at C at iba pang nakamamatay na sakit.