Ayon sa mga kausap ko sa Western Police District (WPD), ang huling biktima ng grupo ay ang Korean national na si Soon Ra Nyong, na nakatira sa Unit 227 Roxas Seafront Gardens sa Pasay City. Pauwi na si Soon matapos maglaro sa casino ng Heritage Hotel sa Pasay nang kalawitin ng mga tauhan umano ni Jaylo. Inakusahan ng grupo si Soon na isang illegal recruiter. Kaya bangketa ang tawag natin sa trabahong ito mga suki, dahil itong si Soon ay hindi naman dinala sa headquarters nga ng PAIRTF, anang kausap ko sa WPD. Ang unang hiningi kay Soon kapalit ng kanyang kalayaan ay P4 milyon. Nagkasundo sila sa P3 milyon kasama ang 99 model na Mercedes Benz E240 nito na may plakang HGK 800. Isinalya ng grupo ang sasakyan sa halagang P1.1 milyon. Mas mataas pa sana ang presyo ng Benz kung may kasama itong OR at CR, anang taga-WPD.
Matapos ang transaksiyon, dinala ng PAIRTF kuno si Soon sa airport, pinalulan sa isang eroplano para makabalik kaagad sa kanyang bansa. Walang ebidensiya, di ba mga suki? Tiyak din na walang bakas na iniwan ang grupo umano ng PAIRTF para iligwak ang sari-sarili nila. Kaya imbes na maghapi-hapi sa bansa, naiwan luhaan si Soon at parang natalo pa sa casino ng P4.1 milyon, he-he-he! Merry Xmas sa inyo ha!
Ang dalawa sa miyembro ng PAIRTF na kinilala sa alyas na Toto Magsino at Egay Castro. Ang alam ko, si Castro ay dating pulis WPD samantalang si Magsino naman ay dati ring civilian agent ng National Bureau of Investigation (NBI).
Wala akong balita kung paano ang lakad nitong sina Castro at Magsino kayat hindi natin masabi kung sangkot sila talaga sa kaso ni Soon.
Siguro panahon na para tawagin din isa-isa ni GMA ang mga promotions company sa bansa at tanu- ngin sila kung paano ang kalakaran ng PAIRTF, anang taga-WPD. May balita kasi na ang mga malalaking promotions at recruiter para sa Japan ay naglagay na ng tig-P2 milyon sa PAIRTF para hindi na maabala ang kanilang negosyo.
May alam daw dito si Willie Espiritu, ang presidente ng mga promotions, he-he-he!
Di kaya black propaganda lang ito sa grupo ni Jaylo? Wala atang katapusan to ah?