Ang principal suspect na si Rod Strunk na ngayon ay malayang nakapamumuhay sa United States. Ilang beses na naireport na ipa-eextradite si Strunk pero wala pa ring nangyayari. Ang umanoy confessed killer na si Philip Medel na sa panahon ng paglilitis na nasa nationwide coverage ay nag-recant o binawi ng naunang pahayag na siya ang pumaslang kay Nida at sinabi niya na napilitan siyang umamin dahil sa pananakit at pananakot sa kanya.
Tatlong taon na ang lumipas pero wala pa ring hustisya ang pagpatay kay Nida. Kasabihan na justice delayed is justice denied. Huwag sanang humantong ang kaso ni Nida sa kaso nila Ninoy Aquino, PR man Bubby Dacer, at iba pa na hindi rin malutas.
Napag-alaman mismo kay Justice Secretary Raul Gonzales na tatlong saksi na pawang mga security guards sa Atlanta ang hindi na malaman kung nasaan. Pawang mga taga-Northern Isabela Security Agency ang tatlong nawawalang sekyu. Isa pang star witness sa kaso ang hindi na rin matagpuan.