^

PSN Opinyon

Katarungan kay Nida Blanca

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NGAYON ay ginugunita ang ika-tatlong anibersaryo ng kamatayan ng artistang si Nida Blanca. Tatlong taon na mula nang maganap ang karumal-dumal na pagpaslang sa beteranang aktres ngunit wala pa ring kalutasan ang kaso. Sino nga ba talaga ang pumatay at ano ang dahilan ng pagpatay kay Nida? Maraming katarungan na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.

Ang principal suspect na si Rod Strunk na ngayon ay malayang nakapamumuhay sa United States. Ilang beses na naireport na ipa-eextradite si Strunk pero wala pa ring nangyayari. Ang umano’y confessed killer na si Philip Medel na sa panahon ng paglilitis na nasa nationwide coverage ay nag-recant o binawi ng naunang pahayag na siya ang pumaslang kay Nida at sinabi niya na napilitan siyang umamin dahil sa pananakit at pananakot sa kanya.

Tatlong taon na ang lumipas pero wala pa ring hustisya ang pagpatay kay Nida. Kasabihan na justice delayed is justice denied. Huwag sanang humantong ang kaso ni Nida sa kaso nila Ninoy Aquino, PR man Bubby Dacer, at iba pa na hindi rin malutas.

Napag-alaman mismo kay Justice Secretary Raul Gonzales na tatlong saksi na pawang mga security guards sa Atlanta ang hindi na malaman kung nasaan. Pawang mga taga-Northern Isabela Security Agency ang tatlong nawawalang sekyu. Isa pang star witness sa kaso ang hindi na rin matagpuan.

BUBBY DACER

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALES

NIDA

NIDA BLANCA

NINOY AQUINO

NORTHERN ISABELA SECURITY AGENCY

PHILIP MEDEL

ROD STRUNK

TATLONG

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with