Lintik lang ang walang ganti sa panahon ni Lim sa WPD
November 7, 2004 | 12:00am
MAY katwirang mabahala si Sen. Alfredo Lim sa pagpaslang kay Sr. Supt. Manolo Martinez noong Oct. 18 at sa halos araw-araw na patayan sa ating bansa. Naalarma na si Lim bunga sa ang patayan sa ngayon ay nangyayari na kahit saan sa bahay sa government offices at sa mga public places at walang pinipiling oras ang mga salarin kung umatake. At bunga nito, ang impression ng marami ay nag-breakdown na ang peace and order sa ating bansa at maging ang kapulisan natin sa pamumuno ni PNP chief Dir. Gen. Edgar Aglipay ay inutil para sugpuin ito. May katwirang magsalita si Lim dahil dati itong pulis bago maging mayor ng Maynila at sekretaryo ng Department of Interior and Local Government (DILG). Sa ilalim ng liderato ni Lim bilang hepe ng Manilas Finest, naging matahimik itong Kamaynilaan. Kung may napatay mang pulis, tiyak ilang araw lang ay may natutumba na sa mga suspects, yan ang usap-usapan sa WPD headquarters mga suki, he-he-he! Lintek lang ang walang ganti sa panahon ni Lim.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Lim, na siya ay rose from the ranks at beterano ng barilan at engkuwentro sa kalye laban sa mga kriminal. Pero inamin niya, na wala pa sa history ng Manilas Finest na ang isang pulis ay na-ambush at pinatay mismo sa harap ng kanyang presinto tulad ng kaso ni Martinez. Siyempre, marami ring opisyales ng Manilas Finest na namatay sa ambush tulad nina Maj. Jose Ping at Supt. Timoteo Zarcal pero nangyari ang mga pagtatambang malayo sa kapaligiran ng police headquarters. Sinabi ni Lim na ang pagpaslang kay Martinez ay nagsilbing babala na hindi na ligtas ang mga sibilyan natin sa ngayon at naging isang malaking hamon pa sa kakayahan ng liderato ni Aglipay. Subalit, hindi naman sinabi ni Lim sa kanyang privilege speech na ang ambush kay Martinez ay isang malakas na sampal sa kaibigan kong si Chief Supt. Pedro Bulaong, ang hepe ng WPD at paborito ni President Gloria Arroyo.
Ayon kay Lim, parang nag-suicide ang mga suspects kapag pumatay sila ng isang pulis noong kapanahunan niya. Aniya, nirerespeto ng mga cop killers ang matandang kasabihan na nakapaskil sa harap ng WPD headquarters na nagsasabing-GO SPREAD THE WORLD AND TELL THE PASSERS BY, THAT IN THIS LITTLE WORLD MEN KNEW HOW TO DIE. Hindi naman diretsahang sinisisi ni Lim ang kapulisan sa breakdown ng peace and order situation sa bansa.
Pinuri pa nga niya ang police visibility ni Aglipay na sa tingin niya ay epektibo bilang deterrence sa kriminalidad. Pero upang maging epektibo ang crime prevention and control, iminungkahi ni Lim ang active, integrated at synchronized efforts of the five pillars ng criminal justice system ng bansa. Hanggang sa ngayon wala pa kasing linaw ang kaso ni Martinez. Sari-saring kuro-kuro na ang umiikot kayat ligaw pa ang mga imbestigador na miyembro ng Task Force Martinez nga.
Sa parte naman ng kaibigan kong si Bulaong, tiyak gagawin niya ang lahat ng paraan para malutas ang kaso ni Martinez dahil matagal na rin niyang kasama ito sa trabaho.
Pero ang puna naman ng maraming nakausap ko sa WPD, paano malutas ang kaso ni Martinez eh abala ang mga kasamahan nila tulad nina SPO4 Benny Go, SPO3 Arnold Ajesta, Insp. Raffy Soza, Sr. Insp. Alberto Juan, PO Roland Sy at iba pa sa negosyo nilang pasugalan tulad ng ng video karera?
Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest