^

PSN Opinyon

'Mr. Bignay'

- Jose C. Blanco S.J. -
DALAWANG linggo na ang nakararaan, ilang miyembro ng aming kooperatiba, ang Alay-Dangal Multipurpose Cooperative (ADMC), mga therapists at ilang mga miyembro ng aming samahang AKKAPKA-CANV sa Isla ng Alabat, Quezon Province, ay nagdaos ng isang seminar tungkol sa pagkatas ng virgin coconut oil sa isang natural at tradisyonal na paraan. Ang naturang seminar ay pinamunuan ni Clarito A. Caisip, isang lider-magsasaka na taga-Nasugbu, Batangas. Nakilala namin siya sa pamamagitan ng aming kaibigang si Ms. Esther Lagos, may-ari ng Esther’s Beach Resort sa Nasugbu, Batangas.

Si Clarito "Larry" A. Caisip ay nabansagang "Mr. Bignay" dahil sa kanyang pagsusumikap na bigyang-lunas ang ilang mga sakit ng tao sa pamamagitan ng paggamit o pag-inom ng tsaang bignay. Ang personal niyang karanasan — pagkakaroon ng malubhang sakit, panghihina ng katawan at pag-inom ng iba’t ibang gamot na hindi nakapagbigay-lunas sa kanyang karamdaman —- ang naging dahilan upang balikan niya ang mga halamang-gamot na natutuhan ng kanilang pamilya mula sa kanilang mga ninuno. Nasumpungan niya ang puno ng bignay. Pinagsumikapan niya na magamit ang iba’t ibang parte ng bignay na lalaki at gawing tsaa na madaling ilaga at pagkatapos ay inumin.

Ngayon si "Mr. Bignay" ay nakakatulong na sa ibang tao na malunasan ang kanilang mga karamdaman tulad ng hypertension, rayuma, diabetes, ulcer, dismenorrhea, hika, insomnia at iba pa, sa pamamagitan lamang ng regular na pag-inom ng tsaang bignay — malamig man o mainit. Aprubado ng Bureau of Food and Drugs (o BFAD) ang tsaang bignay ni Caisip.

Sa kasalukuyan din, hinihikayat niya ang mga tao na magkasunod na inumin ang tsaang bignay at virgin coconut oil upang lalong bumuti ang pangangatawan ng mga tao. Ito rin ang kanyang dahilan upang tanggapin ang paanyaya ng aming samahan na turuan niya ang ilan sa aming kaaniban sa pagkakatas ng virgin coconut oil ayon sa tradisyonal na paraan. Maliban sa alternatibong pagpapagaling, mainam din na pagkakitaan ang virgin coconut oil at iba pang produkto mula sa niyog.

Ako mismo ay regular na umiinom ng bignay tea at virgin coconut oil. At masasabi kong talagang mas malakas ang aking pangangatawan kahit may edad na. Ang aming samahan din ang sole distributor ng bignay tea sa buong Quezon Province.

Ang kolum na ito ay inihahandog namin sa lahat ng mga naniniwala sa alternatibo at natural na pamamaraan ng pagpapagaling, tulad ni Larry Cai-sip, bilang paghahanda sa pagdiriwang ng buwan ng Nobyembre na tinaguri- ang "Traditional and Alternative Health Care Month" batay sa Proklamasyon Bilang 698, na pinirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Agosto 19, 2004.

Si Larry Caisip ay ma-kokontak sa cell number 09186433775 at tel. number 5637328.

ALAY-DANGAL MULTIPURPOSE COOPERATIVE

BATANGAS

BEACH RESORT

BIGNAY

CAISIP

CLARITO A

MR. BIGNAY

QUEZON PROVINCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with