^

PSN Opinyon

Tubero pinarangalan ni Cusi

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ISANG tubero ang nagpakita ng katapatan sa kanyang tungkulin kahit naghihikahos sa kahirapan kasi hindi niya pinag-interesan ang dalawang bagay na napulot nito sa may Customs zone, arrival area ng Terminal 1 sa NAIA, kahit kakarampot lang ang kanyang sahod sa paliparan.

Si Rolando Catapang, 23, binata, ng Carissa St., Rivera Village, Pasay City, isang contractual plumber sa NAIA, ang matapat na taong ipinagmamalaki ni MIAA bossing Al Cusi sa harap ng sangkaterbang empleado ng different agencies ng airport kahapon.

Nagpalakpakan ang mga usiserong nakakita kay Rolando habang kinakamayan ni Al.

Nakapulot si Rolando ng isang pitakang kulay brown at isang mamahaling cell phone na pag-aari ng isang Japanese national na dumating sa paliparan sakay ng Japanese Airlines flight 745 galing Narita noong Monday night.

May pera ang pitakang napulot ni Rolando, 80,000 Japanese Yen o P44,800 kasama ang isang Ducomona cell phone na nagkakahalaga ng P40,000.

Hindi ibinulsa ni Rolando ang mga nasabing bagay sa kabila ng nararanasang kahirapan sa buhay. Ika nga, honesty is the best policy!

May takot kasi sa Diyos si Catapang kaya nawala ang tapang nito nang mapulot ang hindi kanya. Ipinagbigay-alam ni Rolando ang mga bagay na napulot nito sa paging counter para ipagbigay-alam sa owner ang importanteng bagay na naiwan niya sa paliparan.

Walang response from the Japanese owner habang sinusulat ang balitang ito.

"Ano ba ang price ni Cusi kay Rolando?" tanong ng kuwagong magtatabas ng damo sa NAIA.

"Mukhang bibigyan ito ng reward at gagawin pa yatang regular employee ng MIAA," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Iyan ang maganda kay Cusi, marunong kumilala ng mga ikinararangal na gawain," natatawang sabi ng Kotong cop.

"Dapat lang dahil kung ibinulsa ni Rolando ang kanyang napulot, tiyak sakit ng ulo ni Cusi kasi sa kanya ang tama ng masamang balita."

"Iba si Cusi, kamote, susi ito sa airport."

"Naku ha!"

AL CUSI

CARISSA ST.

CUSI

JAPANESE AIRLINES

JAPANESE YEN

PASAY CITY

RIVERA VILLAGE

ROLANDO

SI ROLANDO CATAPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with