^

PSN Opinyon

Lesson: Paano mawalan ng P312-M sa 4 taon

- Al G. Pedroche -
MAY isang gago. Pera niya’y kumikita ng 20 porsyento sa money market. Hinugot at ipinautang sa taong nagbigay lang ng 9 porsyentong interes. Posible bang mangyari ang ganyang kagaguhan?

Ganyan ang nangyari sa P390 milyong pera ng Philippine Communications Satellite Corp. (PHILCOMSAT) at sa subsidiary nitong Philcomsat Holdings Corp (PHC) apat na taon na ang nakalilipas.

Ang dating Philcomsat president na si Manuel Nieto Jr., pamangkin niyang si Benito Araneta. Ronaldo Salonga at Tereso Javier ay inakusahang nagsabwatan sa pagpapalabas ng behest loan at ipinagsakdal sa Ombudsman kaugnay nito. Sina Araneta at Salonga ay kinatawan ng pamahalaan sa korporasyon samantalang si Javier ay representante ng Presidential Commission on Good Governments (PCGG).

Philcomsat mismo ang nagdemanda nang wala na sa posisyon si Nieto. P265 milyon diumano ang ipinalabas na pera mula sa kaban ng Philcomsat noong Agosto 2000 at ipinagkaloob kay Antonio Araneta, pinsan ni Benito. Walang kolateral, walang interes at walang pag-aproba ng board. Bukod diyan, inakusahan din ang grupo ni Nieto na ilegal na nagpalabas ng P125 milyon mula sa PHC na ibinigay din kay Antonio Araneta. Walang board approval, walang kolateral pero may interes naman. Kaya lang 9 porsyento. Anohh!

Iginisa ni Araneta ang korporasyon sa sariling mantika. Ipinangako niyang ibibigay sa korporasyon ang may 12-ektaryang lupain sa Las Piñas na balita ko’y baon sa pagkakasanla sa banko. Ginamit ni Araneta ang malaking halagang nautang para tubusin ang pagkakasanla ng kanyang ari-arian. Hangga ngayon, matapos ang apat na taon ay hindi pa rin naibibigay ni Araneta ang ipinangakong lupain. Sa ngayon, ang Philcomsat at PHC ay mga luging korporasyon ng pamahalaan.

Ayon kay Philip Brodett, vice president ni Nieto sa PHC, ang kompanya ay umaani ng 20 porsyento taun-taon sa money market investment noon. Base sa pagbubunyag ni Brodett, dapat sana’y kumita ng P78 milyon bawat taon o kabuuang P312 milyon sa apat na taon ang perang ipinautang kay Araneta. Kung hindi naganap ang anomalya, disin-sana’y may cash holding ang Philcomsat at PHC na P712 milyon? Palalampasin ba iyan gayung mahigpit ang pangangailangan ng pamahalaan sa salapi?

ANTONIO ARANETA

ARANETA

BENITO ARANETA

GOOD GOVERNMENTS

LAS PI

MANUEL NIETO JR.

NIETO

PHILCOMSAT

PHILCOMSAT HOLDINGS CORP

PHILIP BRODETT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with