Ang pagpataw ng napakaraming kautusan ang nagpapabigat sa pagsasabuhay ng relihiyon. Inisa-isa ni Jesus ang mga pang-aabuso ng mga Pariseo (Lk. 11:42-46).
"Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng yerbabuena, ng ruda, at ng iba pang gulayin, ngunit kinaliligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo ito ngunit huwag naman ninyong kaliligtaang gawin ang iba.
"Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyoy ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang-bayan. Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman.
Sinabi sa kanya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, "Guro, sa sinabi mong iyan pati kamiy kinukutya mo." Sinagot siya ni Jesus, "Kawawa rin kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapa- san ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin, ngunit ni daliriy ayaw ninyong igalaw sa pagdadala ng mga iyon."
Ang pagmamahal sa Diyos ay para sa lahat. Maging mayaman man o mahirap. Binanggit sa Ikalawang Konsilyo Plenaryo ng Pilipinas na ang mayaman ay hindi sobrang yaman na hindi na sila maaaring tumanggap ng anuman mula sa mahihirap. At ang mahihirap ay hindi sobrang hirap na hindi na sila maaaring magbigay ng anumang bagay sa mayayaman.
Sa ganitong paraan, maaaring isagawa ng mga Kristiyano ang kanilang pagmamahal sa Diyos, mahirap man sila o mayaman. Maaaring maging palagay ang loob ng mga tao na makitungo sa kapwa. May panloob na kalayaan at galak kapag silay naglilingkod sa kapwa.