^

PSN Opinyon

Pagpapaimbabaw

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA batas ng mga Judio ay 613 ang kautusan. Three hundred sixty five ang mga pagbabawal at 246 ay iba pang mga kautusan. Hindi kinokondena ni Jesus ang mga Pariseo dahilan sa kanilang pagsusumikap na sundin ang mga kautusan. Pinupuna niya sila dahil sa kanilang di-pagpansin sa mga mas mahahalagang bagay. Isa na rito ang pagmamahal sa Diyos na napakahalaga.

Ang pagpataw ng napakaraming kautusan ang nagpapabigat sa pagsasabuhay ng relihiyon. Inisa-isa ni Jesus ang mga pang-aabuso ng mga Pariseo (Lk. 11:42-46).

"Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng yerbabuena, ng ruda, at ng iba pang gulayin, ngunit kinaliligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo ito ngunit huwag naman ninyong kaliligtaang gawin ang iba.

"Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyo’y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang-bayan. Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman.’

Sinabi sa kanya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, "Guro, sa sinabi mong iyan pati kami’y kinukutya mo." Sinagot siya ni Jesus, "Kawawa rin kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapa- san ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin, ngunit ni daliri’y ayaw ninyong igalaw sa pagdadala ng mga iyon."


Ang pagmamahal sa Diyos ay para sa lahat. Maging mayaman man o mahirap. Binanggit sa Ikalawang Konsilyo Plenaryo ng Pilipinas na ang mayaman ay hindi sobrang yaman na hindi na sila maaaring tumanggap ng anuman mula sa mahihirap. At ang mahihirap ay hindi sobrang hirap na hindi na sila maaaring magbigay ng anumang bagay sa mayayaman.

Sa ganitong paraan, maaaring isagawa ng mga Kristiyano ang kanilang pagmamahal sa Diyos, mahirap man sila o mayaman. Maaaring maging palagay ang loob ng mga tao na makitungo sa kapwa. May panloob na kalayaan at galak kapag sila’y naglilingkod sa kapwa.

vuukle comment

BINANGGIT

DIYOS

GURO

IKALAWANG KONSILYO PLENARYO

KAUTUSAN

KAWAWA

PARISEO

SAPAGKAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with