^

PSN Opinyon

Ang mga sinunog na video karera machines ng WPD ay mga luma na!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HUMAHAGIKGIK sa tawa si Randy Sy, ang video karera king ng Metro Manila, bunga sa napaglalangan niya sina PNP chief Dir. Edgar Aglipay at NCRPO chief Dr. Avelino Razon Jr. Sina Aglipay at Razon kasi mga suki ang namuno sa mga Manila police officials para sunugin ang umaabot sa 22 video karera machines na nakumpiska umano ng WPD sa kanilang operation sa Manila. Pero ayon naman sa mga pulis na nakausap ko, ang mga nasunog na machines ay ’yaong mga nakatambak sa mga istasyon ng pulisya o inaagiw na. Karamihan sa mga ito ay walang ‘mother board’’ o PC board o sa maikling salita ay hindi na gumagana. Kaya sa nangyari, nagtagumpay ang mga pulis-Maynila na pinamumunuan ng kaibigan kong si Chief Supt. Pedro Bulaong sa kanilang propaganda at takpan ang patuloy na operation ni Randy Sy, na inaanak ni Manila Mayor Joselito Atienza, anang mga pulis na nakausap ko. Kaya may katwirang tumawa lang ni Randy Sy kasi hindi biro na malinlang niya sina Aglipay at Razon. He-he-he! Tingnan natin kung hanggang saan ang suwerte ni Randy Sy!

Kahit abot langit na ang sigaw ni Razon ukol sa all-out war niya sa video karera, eh mukhang kibit balikat lang ang pagtanggap ng mga kapulisan natin, lalo na sa WPD, sa kautusan niya. Inuulit ko, paano malilipol ang video karera sa Maynila eh may utang na loob ang mga station commanders kina Randy Sy, Boboy Go at iba pang operators na karamihan ay mga pulis din mismo? Ito palang si Randy Sy ang nilapitan ng mga station commanders para ipagawa ang kani-kanilang opisina kaya bilang paglingon eh kakutsaba sila para hindi makumpiska ang mga makina niya. Kaya kahit namamaos na si Razon sa kasisigaw ukol sa kampanya niya sa video karera, tiyak pa rin na patuloy ang operation ni Randy Sy dahil kinakalong din siya ni Mayor Atienza. Kaya ba ni Razon na banggain si Atienza? Tiyak hindi, di ba mga suki?

Itong Southern Police District naman sa ilalim ni Chief Supt. Wilfredo Garcia ay nagsunog din ng mga nakumpiskang makina noong Lunes. Pero may balita ako na tuloy pa rin ang operation nina SPO4 Arsenio ‘‘Bobot’’ Mangulabnan at PO3 Delfin ‘‘Mackie’’ Macario sa Makati City lalo na sa JP Rizal St., Olympia at Malugay. Nakatago ang mga makina nina Mangulabnan at Macario na may sticker na Agila na nakapatong sa mga barya. Nagkamali rin ata si Garcia sa pag-utos niya kay Macario na mag-operate laban sa video karera. Kasi, ayon sa mga nakausap kong pulis SPD, ang mga makina ng kalaban nila ang kinukumpiska nina Mangulabnan at Macario at iniiwang nakalatag ang kanila.

Hindi rin umano idinedeklara ni Macario ang ilan sa mga nakumpiska niyang makina. Ano ba ’yan?

Ang gamit ng dalawang sasakyan ay ang isang kulay asul na Adventure na may plakang WHK 131 at kulay puti na Corolla, anang kausap ko.

Ayon kay Razon 50 percent na ng video karera sa Metro Manila ay wala na sa kalye. Owww? Pero sa tingin ko naman, paano magtatagumpay ang mga programa ni Razon kung patuloy na umiikot itong sina Arnold Sandoval at Jess Magat sa Maynila at Bebet Aguas sa SPD para ikolekta ang opisina niya? Abangan!

CHIEF SUPT

KAYA

MACARIO

MANGULABNAN

MAYNILA

METRO MANILA

NIYA

RANDY SY

RAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with