^

PSN Opinyon

Kumikitang negosyo sa Makati City (Ikalawang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NANG gabing iyon, dakong 6:15, ipinarada ko ang aking sasakyan sa kahabaan ng Alfaro St. sa harap ng Makati Sports Club. Dumalo ako noon sa isang pulong. Maraming ding sasakyan ang pumarada dahil may malinaw namang babala na limitado lamang sa tatlong oras ang dapat itagal ng pagparada. Subalit nagulat ako nang sa pagbalik ko dakong 7:30 ng gabi, nawala na ang aking sasakyan. Katulad ng isang biktima ng carnapping na nagulat, di -makapaniwala at nanlulumo, natigilan ako ng ilang sandali hanggang sa isang sekyu ang lumapit sa akin upang ipaalam na hinila raw ang aking sasakyan dakong 6:30 subalit hindi niya alam kung saan ito dinala.

Sa panahong ito, wala nang pagkakaiba ang walang-pakundangang paghila ng sasakyan at aktwal na carnapping. Sa katunayan, kinumpirma sa akin ng drayber ng taxi na nagdala sa akin sa lugar ng nasamsam na sasakyan, na kalakaran na pala ng mga ito na abangan ang mga may-ari ng sasakyan na makaalis muna bago nila hilahin ang sasakyan.

Ang mga sasakyang maayos na nakaparada sa mga nakatalagang parking spaces kahit na lampas sa itinakdang oras ay hindi nakaaabala sa daloy ng trapiko. At kung sakaling lumipas sa taning na oras dapat lamang silang patawan ng multa hindi hatakin.

Pahirap at di-makatwiran ang paghila dahil min- san ay nagkakagalos at nasisira pa ang sasakyan. Puwersahan pa ang pagbabayad ng "ransom" (multa) para lamang mabawi ang iyong sasakyan. Nalalaman ito ng mayor ng Makati dahil naging biktima rin siya ng malupit na rehimen.

ALFARO ST.

DUMALO

KATULAD

MAKATI

MAKATI SPORTS CLUB

MARAMING

NALALAMAN

PAHIRAP

PUWERSAHAN

SASAKYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with