Nung huling survey, isa sa bawat pito ang tumango, triple kaysa nung nakaraang taon. Sa Metro Manila, 15.7% ang nakaranas ng gutom, mahigit doble sa 7.4% nung 2003. Sa Luzon, Sa Visayas, 13.3% naman, halos triple ng dati. Iisipin mo bang sa Mindanao, na tinaguriang land of promise nung dekada-60, ang pinaka-malala sa lahat? Aba, 23% halos isa sa bawat apat na pamilya ang dumaan sa gutom, apat na beses ang pagdami kaysa 5.3% nung 2003.
Talagang lumaganap ang kahirapan. Nagtaas ang presyo ng langis, na nagtulak naman sa halaga ng pasahe at LPG. Miski sagana ang ani ng palay at mais, tumaas din ang presyo ng ibang pagkain. Ang delata, ani Trade Usec Che Cristobal, nagmahal hindi dahil sa laman kundi sa presyo ng lata mismo. Yumayaman na kasi ang mga Tsino, nagkakahilig sa delata, kaya panay ang import nila ng tin (lata). Bukod dito, ani Lory Tan ng World Wildlife Fund, laspag na talaga ang mga bundok at dagat na dating nakukuhanan ng libreng pagkain. Kalbo ang mga gubat, wasak ang mga bahura, kaya dumadami ang nagugutom.
Nagsu-survey din ang SWS tuwing tatlong buwan ng sa "poverty index." Ang tanong naman dito: "Sa palagay mo, magkano ang buwanang gastos pambahay para makaangat sa karukhaan?"
Miski tumaas ang presyo ng bilihin, anang mga taga-Metro Manila ay P10,000 ang kailangan mas mababa nang P5,000 kaysa nakaraang quarter. Sa Mindanao, P3,000 ang kailangan, kalahati na lang ng P6,000 na kuwenta dati.
Ano ang ibig sabihin nito? Ani Mahar Mangahas ng SWS, binababa ng mahihirap ang pamantayan nila ngayong mas mahirap ang buhay. Kumbaga, doble higpit sa sinturon at tila ba tinatawaran ang sarili. Aray!