^

PSN Opinyon

Doble-higpit ng sinturon

- Jarius Bondoc -
ANIM na taon nang nagsu-survey tuwing Setyembre ang Social Weather Stations tungkol sa "hunger index." Tinatanong nila ang respondents na family heads: "Nakaranas ba magutom ang pamilya mo nitong nakaraang tatlong buwan – isang beses, paminsan-minsan, madalas?"

Nu’ng huling survey, isa sa bawat pito ang tumango, triple kaysa nu’ng nakaraang taon. Sa Metro Manila, 15.7% ang nakaranas ng gutom, mahigit doble sa 7.4% nu’ng 2003. Sa Luzon, Sa Visayas, 13.3% naman, halos triple ng dati. Iisipin mo bang sa Mindanao, na tinaguriang land of promise nung dekada-’60, ang pinaka-malala sa lahat? Aba, 23% – halos isa sa bawat apat na pamilya – ang dumaan sa gutom, apat na beses ang pagdami kaysa 5.3% nu’ng 2003.

Talagang lumaganap ang kahirapan. Nagtaas ang presyo ng langis, na nagtulak naman sa halaga ng pasahe at LPG. Miski sagana ang ani ng palay at mais, tumaas din ang presyo ng ibang pagkain. Ang delata, ani Trade Usec Che Cristobal, nagmahal hindi dahil sa laman kundi sa presyo ng lata mismo. Yumayaman na kasi ang mga Tsino, nagkakahilig sa delata, kaya panay ang import nila ng tin (lata). Bukod dito, ani Lory Tan ng World Wildlife Fund, laspag na talaga ang mga bundok at dagat na dating nakukuhanan ng libreng pagkain. Kalbo ang mga gubat, wasak ang mga bahura, kaya dumadami ang nagugutom.

Nagsu-survey din ang SWS tuwing tatlong buwan ng sa "poverty index." Ang tanong naman dito: "Sa palagay mo, magkano ang buwanang gastos pambahay para makaangat sa karukhaan?"

Miski tumaas ang presyo ng bilihin, anang mga taga-Metro Manila ay P10,000 ang kailangan – mas mababa nang P5,000 kaysa nakaraang quarter. Sa Mindanao, P3,000 ang kailangan, kalahati na lang ng P6,000 na kuwenta dati.

Ano ang ibig sabihin nito? Ani Mahar Mangahas ng SWS, binababa ng mahihirap ang pamantayan nila ngayong mas mahirap ang buhay. Kumbaga, doble higpit sa sinturon at tila ba tinatawaran ang sarili. Aray!

ANI MAHAR MANGAHAS

LORY TAN

METRO MANILA

MISKI

SA LUZON

SA METRO MANILA

SA MINDANAO

SA VISAYAS

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with