^

PSN Opinyon

Bakit na-"punyeto" ang PHILCOMSAT

- Al G. Pedroche -
KINUWESTYON kamakailan ng negosyanteng si Manuel Nieto ang kredibilidad ni Atty. Victor Africa, pangulo ng Philippine Overseas Telecommunications Corp (POTC) na subsidiary ng Philippine Communications Satellite Corp. (PHILCOMSAT). Kesyo sumusuweldo raw ng milyones sa korporasyong part owner ang pamahalaan.

Lalo lamang ibinibisto ni Nieto ang sarili. Ayon kay Nieto, ang suweldo ni Africa sa POTC at PHILCOMSAT ay umaabot sa P4 milyon kada taon. Umamin naman si Africa na ang sahod niya sa POTC ay P1.2 milyon at P3.6 milyon naman bilang presidente ng PHILCOMSAT.

Ito’y kalahati lamang sa kinikita ni Nieto nang nagsil-bing presidente ng POTC, PHILCOMSAT at PHC noong 1998 hanggang 2000. Tumataginting na P1.6-M sa POTC, P3.6-M sa PHILCOMSAT at P6.8-M sa PHC. Kayo na ang bahalang mag-suma. Hangga ngayo’y tumatanggap pa rin si Nieto ng P3.6 milyong sahod sa PHC. Ito’y sa kabila ng kanyang kinakaharap na kasong kriminal na may kaugnayan sa pagpapalabas ng behest loan na nabanggit na natin sa nakalipas na kolum.

Nang manungkulan si Africa, nagpatupad siya ng austerity measure para sagipin ang korporasyon. Kusang binawasan ang sariling sahod sa P1.2 milyon isang taon bilang POTC president at P3.6 milyon bilang PHILCOMSAT president. Naglunsad din siya ng early retirement para bawasan ang excess fat sa korporasyon mula sa dating 120 empleyado sa panahon ni Nieto na naging 40 na lamang sa kasalukuyan.

Sa kaso ni Nieto, sa loob ng tatlong taong panunungkulan, namili siya diumano ng mga kagamitang nagkakahalaga ng P1.2 bilyon na kadudaduda kung kailangan talaga ng korporasyon. Ito ay sa panahong humihina ang negosyo ng PHILCOMSAT. At gaya nang nasabi na natin noon, ang pagpapalabas ng P390 milyong behest loan kay Antonio Araneta, dahilan para siya kasuhan sa Omb-udsman. Kasong hangga ngayo’y wala pang linaw kaya inuudyukan natin ang Pangulong Arroyo na tawagang pansin ang Ombudsman para isulong ang kaso. Kailangan natin iyan lalu pa’t kapos sa pananalapi ang gobyerno. Pera din iyan para sa naghihirap na inang-bayan.

vuukle comment

ANTONIO ARANETA

AYON

MANUEL NIETO

NIETO

PANGULONG ARROYO

PHILCOMSAT

PHILIPPINE COMMUNICATIONS SATELLITE CORP

PHILIPPINE OVERSEAS TELECOMMUNICATIONS CORP

VICTOR AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with