^

PSN Opinyon

Sardinas at noodles na lang ang kayang bilhin

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
DAHIL sa kahirapan ng buhay kaya 80 porsiyento ng mga Pilipino ngayon ay nagkakasya na lamang sa pagkain ng sardinas at noodles, ito ay ayon sa pinaka-huling survey ng Food and Nutrition Institute.

Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, hindi makaya ng isang pamilya na ang pinaka-bread winner ay kumikita lang ng P50 bawat araw na masunod ang basic food-needs. Bihira nang makakain ng manok, karneng baboy at baka. Hindi nila kayang bumili ng mga nutritious food na mayaman sa bitamina at mineral. Dahil sa kasalatan ng sustansiya sa katawan kaya humihina ang immune system at dito nagsisimula ng paglitaw ng kung anu-anong sakit.

Nakalulungkot isipin na sa kasalukuyan, apat sa walong pamilyang Pilipino ang dumaranas ng malnutrisyon. Sa aming out-reach program sa Payatas ilang pamilya ang nakapanayam ko at nagsabi na ang isang paketeng noodles ay pinagsasaluhan nila at dinadagdagan nila nang maraming tubig para may sabaw na mahigop. Isang mag-anak na may walong miyembro ay nagkakasya sa isang latang sardinas na pang-ulam. Ang sabi naman ng isang ina, madalas na naglulugaw na lang sila para mas marami.

Noon pa man ay mahirap na ang buhay pero ngayon ay mas lumubha pa dahil sa dinaranas na fiscal crisis. Apektado ang mahihirap kaya nagtitiis na lang sila sa noodles at sardinas.

APEKTADO

BIHIRA

DAHIL

FOOD

FOOD AND NUTRITION INSTITUTE

ISANG

KAYA

NAKALULUNGKOT

PAYATAS

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with