Old Vietnam sinalakay nina Supt. Romulo Sapitula
October 3, 2004 | 12:00am
SINALAKAY ng Western Police District-Police Station 3 ang lungga ng mga holdaper, drug pushers at mga kriminal na nagtatago sa tinaguriang "Old Vietnam" sa Gunao St., Quiapo, Manila kahapon ng umaga sa pangunguna ni P/Supt. Romulo Sapitula.
Kasama ako nang salakayin ng may 45 pulis dakong alas 5:20 ng umaga at nagresulta ito sa pag-imbita ng may 28 kalalakihan upang biripikahin ang mga personal record ng mga ito. Humigit kumulang sa 30 warrant of arrest ang dala ng mga pulis. Dakong alas-5 ng umaga nang tipunin ni P/Supt. Sapitula ang kanyang mga bataan at ang 15 Special Weapon and Tactics (SWAT) mula sa WPD headquarters.
Anim na pulis ni Barbosa Police Community Precinct (PCP) Commander P/CInsp. Jovet Asayo, dalawa sa Blumintritt PCP, Apat sa Plaza Miranda, PCP at 18 pulis ng PS-3 na binubuo ng Station Anti-Illegal Drugs unit at Anti-Criminal Unit.
Sa briefing ni P/Supt. Sapitula dakong alas 5:05 ng umaga mahigpit na binalaan niya ang mga pulis na huwag pakialaman ang mga personal na mga gamit ng mga residente upang maiwasan ang reklamong pagnanakaw. "Ang tao ay nagtatago sa ilalim ng lamesa at hindi sa loob ng drawer," pabirong sabi ni Sapitula sa kanyang mga bataan.
Matapos ang briefing agad na tumalima ang grupo at naglakad na lamang ang mga ito upang maiwasan ang paglikha ng komusyon sa naturang lugar, ngunit pagsapit sa naturang target agad silang natunugan ng mga ito at talagang matatalas ang pang-amoy ng mga kriminal, he-he-he!
Agad na naamoy ng mga daga (kriminal) ang hanay ng papalapit na mga pusa (pulis) at naglundagan ang mga ito sa ilog at ang iba namay nagtakbuhan sa bubungan ng mga kabahayan patawid sa kabilang pader ng Barter Center at naglahong parang bula.
Nagbunga naman ang pagtugis ng mga pulis at nadakma ang dalawang tulak ng shabu na may standing warrant na nakilalang sina Aries Sultan, 24, sidewalk vendor at Ben Mohammad, 31, jobless ng 340 Gunao St., Quiapo, Manila.
Nasamsam ang may 20 gramo ng shabu at shabu pharaphernalia sa mga suspek. Agad namang pinauwi ang mga taong may naipakitang identification card ngunit ang 11 katao ay pansamantalang pinigil sa presinto upang beripikahin ang mga record sa dahilang walang maipakitang ID ang mga ito.
Ayon kay P/Supt. Sapitula nag-ugat ang kanilang operasyon nang ula-nin sila ng reklamo ng mga nabibiktimang business operators at maging ang mga mamimili na kadalasang target ng mga kriminal sa naturang lugar.
Kadalasan umano sa tuwing may magaganap na robbery snatching at holdapan ang mga ito ay tumatakbo sa naturang lugar na tinaguriang "Old Vietnam" upang magtago. Nakapasok ako sa naturang lugar at nakita ko talagang mahirap pasukin ng ilang pulis lamang dahil ang mga kabahayan ay nasa gilid lamang ng ilog at halos isang tao lamang ang maaring dumaan dahil ubod ng sikip ang mga iskinita dahil sa dikit-dikit na barung- barong na yari sa tagpi-tagping plywood.
Sa kabutihang palad wala namang marahas na insidenteng naganap sa mga pulis at residente dahil sa mahusay na superbisyon ni Sapitula. Naging mapayapa ang naturang operasyon at walang ginibang bahay ang mga pulis at magalang na kinausap ang mga kalalakihan na isama sa himpilan.
Maging si WPD Di- rector P/Chief Supt. Pedro Bulaong ay matamang minomonitor ang kilos ng mga pulis habang isinasagawa ang operasyon sa naturang lugar. Naki-coordinate naman si P/Supt. Sapitula sa mga religious group at Barangay Chairman bago isinagawa ang police operation.
At dahil walang dugong dumanak, saludo ako sayo Sir, naway pag-ibayuhin mo pa ang paglilingkod sa mga mamamayan at huwag mong tatantanan ang pagtugis sa mga kriminal upang ganap na masugpo ang kriminalidad sa iyong nasasakupan. Mabuhay ka!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
December 29, 2024 - 12:00am
December 29, 2024 - 12:00am