Kamakailan, isang job fair ang ginanap sa Philippine Trade Center at ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ay umaabot sa 20,000 trabaho ang naghihintay sa mapipiling job applicant. Animnapung kompanya raw ang nakatakdang mag-operate bago matapos ang taong ito. Ang mga kompanya ay laan sa manufacturing and service sectors. Napag-alaman dun na maraming job openings sa pagbubukas ng mga "call centers" sa Quezon City.
Nauna rito, ipinahayag ni Labor Secretary Patricia Santo Tomas na ang mga aplikante ay dapat na maraming skills. Nakasalalay din ang diskarte ng job applicant para suwertehin sila. Dapat na qualified sila sa position, magsumite ng mahusay na resumé at mahusay sumagot sa mag-iimbestiga sa kanila. Dapat na mentally and physicall-fit sa trabahong pinupuntirya at maging malinis at maayos ang suot. Dagdagan din naman ang pagdarasal.