^

PSN Opinyon

Kapistahan nina Miguel, Gabriel at Rafael

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NANINIWALA ba kayo sa mga arkanghel at mga anghel? Ang mga arkanghel ay mga mensahero ng Diyos. Si Gabriel ay sinugo kay Maria upang ipahayag na siya ay magiging Ina ng Mesiyas. Si Rafael ay sinugo upang gamutin o pagalingin si Tobit sa kanyang pagkabulag. At si Miguel ay naatasang makipaglaban sa mga demonyo. Ang mga anghel ay ating mga tagabantay. Pinangangalagaan nila tayo sa panganib at kapahamakan. Basahin ang Juan 1:47-51.

Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Jesus, "Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya’y hindi magdaraya!" Tinanong siya ni Natanael, "Paano ninyo ako nakilala?" Sumagot si Jesus, "Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos." "Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!" wika ni Natanael. Sinabi ni Jesus, "Nananampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!" At sinabi niya sa lahat, "Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroonan ng Anak ng Tao!’"


Ang binanggit lamang ni Juan sa Ebanghelyo ay ang mga anghel. Gaya nang nabanggit ko, si Gabriel ay nagpakita kay Maria. Sa Lumang Tipan, nandoon ang istorya tungkol kay Rafael na nagpagaling kay Tobit.

Anuman ang inyong pangangailangan, sana’y matutunan ninyong lumapit sa mga arkanghel at mga anghel. Ipaalam sa kanila ang inyong mga pangangailangan. Tutulungan nila kayo. Maaari ring mangyari na ang ibang tao ay mga sugo ng mga anghel at mga arkanghel upang iparating o dalhin sa inyo ang tulong na inyong kinakailangan.

vuukle comment

ANAK

ANGHEL

DIYOS

NATANAEL

SA LUMANG TIPAN

SI GABRIEL

SI RAFAEL

TOBIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with