Recycling ng shabu ang kaso ni SPO4 Bobot Mangulabnan pero inawardan pa ni Sec. Reyes
September 29, 2004 | 12:00am
ANO kayang agimat meron si SPO4 Arsenio "Bobot" Mangulabnan at napaglalalangan niya parati ang kanyang mga opisyal? Kahit may kaso pa siyang recycling ng shabu at inakusahan pang nasa likod ng operation ng video karera ni Joaquin Sy sa Makati City, e nabigyan pa ng award si Mangulabnan. Si Interior Sec. Angelo Reyes pa mismo ang nagsabit ng lanyard dito kay Mangulabnan na pinandirihan ng kanyang mga kapwa pulis sa Southern Police District (SPD). Sino kayang hudas ang nanloko kay Chief Supt. Willy Garcia, hepe ng SPD, para isama sa listahan ng mga awardees si Mangulabnan na matagal na ring bakante dahil sa isinasagawang imbestigasyon sa kaso niya, ang recycling ng shabu nga? Ito bang award na iginagawad ni Reyes e pera-pera lang ang labanan? He-he-he! Inggit lang kayo no?
Ang balita pa sa Makati police, si Mangulabnan ay kinupkop na sa ngayon ni Garcia. Nagpalabas daw ng order si Garcia na i-assign si Mangulabnan sa District Intelligence and Investigation Division (DIID). Ang naging linya ni Mangulabnan kay Garcia ay ang kumpare niyang si PO3 Delfin "Mackie" Macario, ng DAID, na "eksperto" sa droga. Kaya kailangan ni Supt. Jose Gentiles, hepe ng DIID ang tandem nina Mangulabnan at Macario dahil malawak ang kaalaman nila kung tungkol sa droga sa SPD ang pag-uusapan. Sa pag-upo niya sa DIID, hindi maiwasan na mauungkat na naman ang kaso ni Mangulabnan na recycling ng shabu at lalong mabantayan din niya ang mga makina ni Joaquin Sy, na kapatid ng video karera king ng Maynila na si Randy Sy na inaanak naman ni Mayor Joselito Atienza. Hindi nalalayo na mauuso na naman ang nakawan ng makina sa SPD dahil sa tandem nina Mangulabnan at Marario, anang pulis na nakausap ko, he-he-he! Bantayan natin ang pagbabalik ni Mangulabnan sa kalye!
Teka nga ba? Hindi ba may kautusan si NCRPO chief Dir. Avelino Razon Jr. na no take policy sa droga at gambling lords? Aba, dapat bantayan ni Razon sina Mangulabnan at Macario para ma-swak sila sa selda kapag napatunayan na may pagkakasala sila, di ba mga suki? Habang naglilinis naman ng hanay ng pulisya si Razon e nagsanib naman ng puwersa ang mga tauhan niya sa baba para mapaglalangan siya. Ang tiyak ko, kapag nasampol na sina Mangulabnan at Macario ni Razon titino na ang hanay ng kapulisan natin. At bakit hindi kayang galawin ng mga operating units ni Razon itong video karera ng mga Sy brothers sa Maynila at Makati City? Nakausap na kaya nila si Julius?
May nakarating naman sa akin na apat na makina na ni Sy ang nakumpiska ng mga bataan ni Sr. Supt. Jovy Gutierrez, hepe ng Makati City police. Mukhang nagsawa na si Gutierrez sa palaging pagsabit ng pangalan niya sa illegal na aktibidades ng kumpare niyang si Mangulabnan at iniitsa-puwera na siya. Kapag nabanggit kasi si Mangulabnan, palaging nakakabit ang pangalan ni Gutierrez kayat dapat dumistansiya na siya sa kumpare niya. Hindi kaya ningas-cogon lang ang pagkumpiska ni Gutierrez sa mga makina nina Sy at Mangulabnan? Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest