^

PSN Opinyon

10% tax sa Manila City Jail

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
PAUMANHIN sa mga masugid na mambabasa ng "Imbestigasyong Bahala si Tulfo" dahil sa technical problem, hindi muna mailalathala ang pinakaaabangan ninyong huling bahagi ng panloloko ni Gagoomal.

Subaybayan ang karugtong ng panloloko ng Am-Boy na Bombay na si Jagdesh Gagoomal sa ating gobyerno, sa Biyernes sa kolum na ito…
* * *
Matunog ngayon ang balita na ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection maging ang mga jail warden ay posibleng tutukan na rin ng pamahalaan kontra kotong.

Hindi ko sinasabing lahat ay gumagawa ng kalokohan, pero may mangilan-ngilan sigurong nakakalusot. Kasi nga, wala sa kanila ang atensyon ng mga tao…

Ibig sabihin, hindi lang mga pulis at mga buwayang MMDA enforcers ang minamatyagan sa ngayon. Kung sabagay, matagal-tagal ko na ring nabanggit ito sa aking kolum.

Ilang report at tips mula sa text na rin ang natatanggap ng BITAG ukol sa umiiral na bulok na kalakaran, partikular sa loob ng Manila City Jail.

Ito yung mga report ng mga kamag-anak ng mga preso na dumadaing sa sobra, harap-harapan at garapalang pangungurakot ng ilang tao sa loob mismo ng city jail.

Alam na nating lahat na dumaranas ng krisis ang ating bansa kaya naman pinaghigpit ng pamahalaan ang kampanya sa paniningil ng buwis.

Pero pati ba naman dito sa loob ng kulungan may umiiral ding tax? Para saan? Nakakatawa at nakakaawang isipin na kumikita ang pamunuan ng Manila City Jail, partikular na ang "butihin" nilang jail warden sa katas ng iba.

Bawat ipinapasok na pasalubong para sa preso ay pinapatawan diumano ng 10% tax. At kung wala ka namang dala, mayroon silang maliit na kooperatiba sa loob mismo ng city jail.

Ito yung kooperatibang itinayo para sa mga preso mismo. Ngunit dahil nga sa mayroon tayong problema ngayon sa buwis, siyempre, tax na naman!

Ten percent tax din ang nakapatong sa presyo ng mga bilihin dito. Talo pa yung mga produktong imported na galing Subic.

Kakaiba talaga ang estilo nitong si Jail warden, hirap na nga ang kalagayan ng mga preso, nakuha pang magpayaman…

Sige lang warden, magpakasaya ka sa bulok mong sistema. Isang araw ay mahuhulog ka rin sa aming patibong.

Ika nga ng aming mga tagasubaybay, ‘MabiBITAG ka rin!’
* * *
BITAG hotline numbers para sa mga NAAABUSO, NAAAPI at BIKTIMA ng PANLOLOKO o anumang uring katiwalian, tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310 at mag-text sa 0918-9346417 / 0927-8280973. Panoorin ang ‘BAHALA SI TULFO’ live sa UNTV 37, simulcast DZME 1530, Monday-Friday, 9:00-10:00 ng umaga.

ALAM

AM-BOY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

IMBESTIGASYONG BAHALA

JAGDESH GAGOOMAL

JAIL

MANILA CITY JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with