Sinabi ni Dr. Gregorio T. Alivior Jr. pangulo ng PGH Medical Foundation Incorporated na marami na ang nangako na tutulong sa paglikom ng pondo para sa proyekto. Saksi ang BANTAY KAPWA sa pledges na umaabot sa milyong piso buhat sa mga pharmaceutical companies at ceremonial donors.
Kasama rin sa fund drive ay ang pagpopondo sa bibilhing modernong kagamitan sa panggagamot. Dalawang malalaking event ang gaganapin sa Nobyembre kaugnay sa fund drive at itoy ang natatanging golf tournament at fashion shoe na nasa pangangasiwa ng magagandang socio-civic lenders na sina Ms. Cory Quirino at Ms. Lolita Escobar-Mirpuri.