^

PSN Opinyon

Lolobo ang populasyon at darami ang problema

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
APAT na sanggol ang ipinapanganak bawat minuto sa Pilipinas. Ang populasyon ng Pilipinas ngayon ay 84 milyon at sa susunod na 25 taon ay inaasahang magiging 169 milyon.

Parami nang parami ang Pinoys at parami nang parami rin ang mga problema ng bansa. Isa sa mga sinasabing solusyon ay ang pagpaplano ng pamilya. Ang two-child policy na inisponsor ni Rep. Edcel Lagman ay patuloy pa ring pinagtatalunan.

Ayon kay Dr. Jonathan David Flavier ng DOH, dapat palawigin ang reproductive health program. Sinabi ni Dr. Flavier, panganay na anak ni Sen. Juan Flavier, ang paglobo ng bilang ng mga anak ay dahil sa kawalan ng impormasyon at serbisyo kaugnay sa family planning. Ipinaliwanag niya na dapat na magkaroon ng pagkakaunawaan ang mag-asawa para mapigil ang panggigigil ng bawat isa.

Sinabi ni Dr. Flavier na dapat na buksan ang isipan ng mag-asawa sa natural birth control at artificial birth control. Ang natural birth control, na aprobado ng simbahang Katoliko ay hindi dumidepende sa gamot at instrumento. Rhytm method ang ginagawa ng mag-asawa pero hindi apektado hindi ito sa lahat. Applicable ito kung regular ang pagreregla ni misis at alam niya ang kalendaryo at kabisado kung kailan siya mangingitlog o nasa fertile stage siya. Saklaw naman ng artificial birth control ang paggamit ng contraceptives gaya ng pills, IUD, paggamit ng condom at iba pa. Meron din namang kontento na sa withdrawal pero may psychological effect ito kaya hindi ipinapayo.

Ang pagtatalik ay pinakamaganda at pinakamasarap sa mag-asawa na dapat ding gamitin ng talino para maiwasan ang sunud-sunod sa pagbubuntis.

vuukle comment

AYON

DR. FLAVIER

DR. JONATHAN DAVID FLAVIER

EDCEL LAGMAN

IPINALIWANAG

ISA

JUAN FLAVIER

KATOLIKO

PILIPINAS

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with