Maysakit na anak ng DZME reporter pinagpasa-pasahan ng 2 PGH staff
September 19, 2004 | 12:00am
SA kabila nang mahigpit na kautusan ni Director Carmelo Arfiller ng Philippine General Hospital (PGH) na ibigay ang tamang serbisyo sa mga mamamayan na nangangailangan ng tulong ay mayroon namang mga Staff na pilit na nilalabag ang kanyang kautusan at sumisira sa kanyang mabuting pamamalakad.
Nakalimutan ng mga ito ang paglilingkod sa mga mamamayan na lalot higit sa mga taong nangangailangan ng lunas o iyong tinatawag na "Emergency" upang mabigyan agad ng paunang lunas.
Dahil lamang sa kakulangan sa perang pambayad sa kuwartong papasukan ng isang pasyente ay napabayaan na at napilitan na lamang na muling ibalik sa pinanggalingan ospital ang kawawang pasyente.
Isa lamang mga suki si Molly sa napakaraming mamamayan na nakaranas ng maling sistema na ipinatutupad ng mga staff ng PGH. Ayon kay Molly Angeles, Chief Reporter/ Announcer ng DZME radio noong Sept.10, 2004 dinala niya ang kanyang anak na si Grace Arlante y Angeles, 26, sakay ng isang ambulansya ng St. Francis Assisi General Hospital mula sa Meycauayan, Bulacan.
Dahil sa kanyang pagkakaalam na kumpleto sa pasilidad o aparato ang PHG upang higit na mabigyan ng lunas ang karamdaman ng kanyang anak. At dahil ang assignment ni Molly ay Maynila kayat nasasakupan niya sa kanyang coverage ang PGH kung kayat nakikilala niya ang ilang matataas na opisyal ng naturang ospital.
Kayat ito ang nagtulak upang ilapit ang kanyang karaingan kay Director Arfiller na mapadali ang pag-admit sa kanyang anak. Agad naman siyang pinaunlakan ni Dir. Arfiller at sinabihan siya na agad itong lumapit kay Deputy Director Dr. Cesar Perez upang mabigyan agad ng atensyon.
Inatasan siya ni Dr. Perez na agad na puntahan si Dr. Virgilio Banez ng Gastro Intestinal Clinic (GIC). At agad namang sinuri ni Dr. Banez at agad na sinabihan na ipa-admit na ang kanyang anak. Ang bilis ano mga suki? He-he-he! Ora mismo tinungo ni Molly ang Admitting Section upang ibigay ang patient record at napilitan na siyang kumuha ng isang kwarto na nagkakahalaga ng P430 a day dahil sa walang kuwarto na mura, "alam naman naming puno ang naturang ospital"
Agad silang hiningian ng halagang P2,817 bilang initial payment para sa naturang kuwarto ng kanyang anak. At dahil sa P2,500 lamang ang natirang pera sa kanyang bulsa matapos na magbayad ng P12,000 sa pinanggalingang ospital at nangakong ibibigay na lamang kinabukasan ang kulang na P317. Dahil sa kulang ang pera agad siyang inatasan na magtungo sa Administrative Office para ma-apruba sa kanyang pangako na kinabukasan ay kanyang babayaran ang balance. Duda na agad si Madam, baka subain siya, he-he-he!
Ngunit nagulat siya nang hindi pumayag si Victoria Cosio, Clerk IV ng Admin Office at sinabihan siya na "pasensya na yun ang Policy ng PGH" at bilang kunswelo de BOBO ay inatasan naman siya na lumapit kay Billy Santos ng Social Worker. Parang bola ng basketball ang ginawa kay Molly, pinagpasa-pasahan dahil lamang sa balanse, he-he-he!
At gaya ng una, muli na naman siyang nagmakaawa kay Bossing upang mabigyan siya ng tulong ngunit lalo lamang sumama ang kanyang loob nang sabihan siya "bakit hindi na lang sa Charity nyo dalhin di nyo naman kayang magbayad ng kuwarto?" sabay talikod sa kanya at nakipag-tsikahan na sa telepono.
Umabot ng dalawang oras ang kanyang pagmamakaawa sa mga walang pusong Staff ng PGH at ng kanyang balikan ang kanyang anak ay nanghihina na ito at namumutla, agad na binuhat ang kanyang anak at isinakay sa kanyang DZME mobile patrol at ibinalik na lamang muli sa pinanggalingang ospital, kimkim ang sama ng loob. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest