EDITORYAL Smugglers sa Subic pakapal nang pakapal
September 19, 2004 | 12:00am
TALAMAK ang smuggling ng mga segunda manong right-hand-drive vehicles sa Subic at Clark at walang magawa ang mga nasa Bureau of Customs. Malaking pera ang nawawala sa gobyerno dahil sa mga smugglers. Imagine, ibinabagsak sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang mga right-hand vehicles at mismong sa loob pa nito ikino-convert para maging left-hand vehicles. Nadiskubre ito sa pagdinig ng Senado noong Miyerkules kung saan ginisa si Customs Commissioner George Jereos. Inamin ni Jereos ang illegal na pagpasok ng mga sasakyan sa Subic at ganoon din sa Clark at may pahintulot ito ng SBMA. Sa hearing ng Senate committee on trade and industry na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon tahasan nitong sinabihan nang harap-harapan ang commissioner na ignorant sa rules and regulations ng SBMA.
Talamak ang pagpapasok ng mga smuggled na sasakyan at hindi na ito balita. Karaniwan na lang. Natuklasan nina Gordon na may 90,000 sasakyan ang ilegal na ipinapasok sa bansa sa pamamagitan ng SBMA. Noong January 2003, sinabi ni Gordon na may 6,000 kotse ang inismagel sa Subic. Wow!
Nadadaya ang pamahalaan dahil sa talamak na smuggling ng sasakyan. Ang dapat ibayad na buwis ay napupunta lamang sa bulsa ng mga corrupt. Ang mas matindi pa, dahil sa smuggling, nawawalan ng trabaho ang mga nasa car industry. Bagsak ang negosyo. Pinapatay ng smuggling ang local automotive industry. Dapat pang halukayin ang talamak na smuggling sa Clark at Subic.
Ang pagkakahalukay na ito sa smuggling ng sasakyan na kasangkot ang mga taga-Customs ay nagpapakita lamang na laganap ang katiwalian sa nasabing ahensiya. Na kung mapipigil lamang maaari pang makabangon pa ang bansa sa pagkakasadlak sa kumunoy ng kahirapan. Tama si Senator Gordon na malaking pera ang nawawala sa gobyerno. Dagdag sa problema nang nakasakmal na fiscal crisis sa bansa.
Sagad na sa buto ang katiwalian sa Custom at patunay dito ang pagkakasuspinde sa dalawang empleado roon kamakailan lang dahil sa pagbag-sak sa "lifestyle check" na ipinaiiral ng gobyerno. Imagine, clerk lang sa Customs pero tatlo ang magagarang sasakyan at may malaking bahay at lupa. Mas matindi ang mensahero roon na ang suweldo lamang ay P5,000 pero dalawa ang sasakyan.
Habang marami ang naghihikahos marami naman ang kumakamal ng pera sa Customs at nalilinlang ang pamahalaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest