^

PSN Opinyon

Pag-alis ng mga doctors at nurses patuloy

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NAKABABAHALA ang pag-alis ng mga Pilipinong doctors at nurses patungong abroad. Ayon kay Dr. Ed Salud, hepe ng Quezon City General Hospital, talagang nakakaalarma ang mga paglisan ng mga doctors at nurses at nanganganib na mawalan na ng manggagamot sa mga ospital dito. Ayon kay Dr. Salud ang mga matagal nang nurses sa ospital ay umalis na at pawang mga baguhan ang nagseserbisyo ngayon.

Sinabi niya na may doktor na nag-shift sa pagna-nursing para madali silang makapagtrabaho sa mga ospital sa Amerika na malaki ang suweldo. Sabi pa ng doktor na mas gusto ng mga kano ang mga Pilipinong doctors at nurses na maasikaso, pasensyoso at karinyoso sa mga pasyente. Karamihan sa mga nurses sa Q.C. General Hospital ay nasa Ireland na malaki ang suweldo nila at maraming benefits. Bukod sa Ireland, in-demand din sila sa Canada at Middle East.

Mauubusan tayo ng mga doctors at nurses kapag hindi ito napagtuunan ng pansin ng gobyerno.

AMERIKA

AYON

BUKOD

DR. ED SALUD

DR. SALUD

GENERAL HOSPITAL

MIDDLE EAST

PILIPINONG

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with