^

PSN Opinyon

Nagalit ang kaibigan kong si Gen. Bulaong,he-he-he !

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAUWI sa madugong sagupaan ang di-pagkaunawaan ng mga imbestigador ng homicide section ng Western Police District (WPD) at ni Supt. Co Yee Co, ang hepe naman ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU). Mula noong Miyerkules kasi,itinapon sa iba’t ibang presinto ang 15 imbestigador ng homicide section dahil sa protesta nila sa pamamalakad ni Co nga. Mukhang nagalit na ang kaibigan kong si WPD director Chief Supt. Bulaong dahil kapag nagpatuloy na nagbabangayan itong dalawang kampo eh ang liderato niya ang maapektuhan. Tama lang ba na itapon sa malalayong lugar itong mga homicide investigators? He-he-he! Ang kasagutan sa tanong na ito ay malalaman natin mga suki sa darating na mga araw.

Nag-umpisa ang away ng dalawang kampo nang pakialaman ni Co Yee Co ang lahat ng papeles hindi lang ng homicide kundi maging iba pang unit na sa ilalim ng CIDU. Mukhang nanibago ang mga pulis dahil sa makabagong pamamaraan ng CIDU kaya’t naisipan nilang sumulat ng protest letter kung saan hiniling din nila na mailipat na lang sila sa follow-up section. Sa sistema kasi na pinaiiral sa ngayon ni Supt. Co nagmukhang tando-tando itong mga hepe ng homicide, theft and robbery at iba pang mga unit. Ni hindi na nga nila masisilayan ang mga report ng operatiba nila dahil diretso na ito kay Supt. Co. At talagang ayaw ni Supt. Co na pakinggan ang kanilang mga suhestiyon kaya’t hayan nagkaroon ng iringan at nauwi nga sa tapunan ang isyu.

Pero ang akala ng mga imbestigador tapos na ang kaso nang mag-dialogue sila nina Supt. Co, Sr. Insp. Albert Peco, ang hepe ng homicide at Sr. Supt. Juanito de Guzman noong Lunes. Kahit may hindi pagkaunawaan sila, nakuha naman ni De Guzman na paamuin itong nagpo-protestang imbestigador at sumunod na lang sa mga alituntunin ni Supt. Co dahil ang kabutihan naman ng WPD ang nasa utak niya at walang bahid na personalan. Ang siste lumabas ang order ng 15 imbestigador noong Sept. 15 na pirmado naman ni Bulaong. Kaya kahit nagulat sila, nagsipag-report sila sa kani-kanilang bagong trabaho.

Hindi naman masama ang loob ng mga imbestigador kasi nga kasama naman sa trabaho ng pulis na minsan ay matapon ka sa kangkungan.

Sa ngayon, ang mga imbestigador ng presinto at sa iba pang unit ang nire-recruit para lumipat dito sa homicide section. Siyempre sa unang mga araw, hindi pa nila gamay ang trabaho at medyo masalimuot pa ang pasikot-sikot dito.

Mga ilang araw din siguro at tiyak manunumbalik na ang sigla sa homicide section ng WPD. Ang puna lang ng mga nakausap kong pulis eh mukhang kinampihan ni Bulaong si Supt. Co at hindi man lang pinakinggan ang panig ng mga imbestigador? Kanya-kanyang diskarte lang ’yan, di ba mga suki? Aalma pa itong mga imbestigador eh wala naman silang padrino hin-di tulad ni Bulaong na palaging bukas ang tainga ni President Arroyo sa pro-blema niya.

Binangga nila ang paboritong pulis ni GMA kaya’t hayan sa kangkungan ang bagsak nila. Panahon na para ikumpas ni Bulaong ang mga kamay na bakal niya laban sa kanyang mga matitigas na ulong mga tauhan.

vuukle comment

ALBERT PECO

BULAONG

CHIEF SUPT

CO YEE CO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DE GUZMAN

HOMICIDE

IMBESTIGADOR

SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with