^

PSN Opinyon

Kakaibang pulis (2)

SAPOL - Jarius Bondoc -
MAG-"MISTAH" sina Supts. Leo Leuterio at Dionicio Borromeo sa PMA Class ’89. Pareho sila sa naging career pattern: Pumasok sa Constabulary 18 taon na ang nakalipas, nanatiling pulis nang buwagin ang PC-INP, may asawa at tatlong anak, may master’s degrees. Pareho rin sila ng pananaw sa trabaho –na ang pagpupulis ay hindi lang pagtugis sa kriminal kundi paglutas ng mga problema ng komunidad.

Naging hepe sa Tagum, Davao del Norte, si Leuterio. Doon, winasak niya ang mga sindikatong holdaper. Pero mas importante, nilapit niya ang pulisya sa taumbayan. Nagsimula siya sa pagpapakain ng mga batang-kalye, para mailayo sila sa tukso ng pagloloko. Tapos, nilunsad niya ang taunang pakain ng headquarters tuwing Pasko sa 5,000 mahihirap; ambagan ang mga pulis at civic clubs sa gastos. Bago pa lang nauuso ang texting, ginamit niya ito para mag-report ang madla ng mga tiwaling pulis at drug pushers. Nilunsad din niya ang Barangay Yaman (Bar-Ya) na ambagan ng komunidad para sa pagpapaayos ng kapaligiran imbes na waldasin ang pera sa illegal gambling.

Hepe si Borromeo ng detective bureau sa Caloocan. Bilang tiktik, nilipol niya ang Martilyo, Solido, Bombay, Ilonggo at Saludar robbery gangs. Pero siya ang unang aamin na di niya sana ito nagawa kung hindi tumulong ang komunidad. Gayon din sa pagwasak ng Nardo kidnapping gang, sa pamamagitan ng tip sa kauuso pa lang na text messaging. Sa tulong ng civic clubs, nakapagtayo siya ng presinto sa ilang barangay. Hinimok din niya ang mga estudyante na bumuo ng Junior Police para tumulong sa pagtatrapik at pagtitiktik sa drug pushers.

Naniniwala sina Leuterio at Borromeo sa "broken windows theory" ng pagpapatupad ng batas: Bago lumala ang problema, ayusin na. Kung may basag na bintana, ayusin agad bago isipin ng mga tao na walang may keber at batuhin pa ang gusali, tapos maglipana ang krimen sa iskinita.

Kapwa sila hinirang ng Metrobank Foundation na Ten Outstanding Policemen-2004, kasama sina: Supts. Louie Oppus at Isaias Tonog, SPO2s Geronimo Manalo, Alejandro Monsale at Octavio Rivero, SPO1 Romeo Garrido, at PO3s Annie Rose Alvarado at Lorenzo Guevarra.

ALEJANDRO MONSALE

ANNIE ROSE ALVARADO

BARANGAY YAMAN

BORROMEO

DIONICIO BORROMEO

GERONIMO MANALO

ISAIAS TONOG

JUNIOR POLICE

LEO LEUTERIO

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with