Hinahamon namin ang mga taga-BIR na umpisahan na ang kanilang wastong trabaho. Dapat agad silipin ng BIR ang mga buwis na binayad ni Dante Go. Partikular na nung naibenta niya ang Sugarland Corporation na may gawa ng Eight OClock orange juice noon sa halagang P1.9 billion, gayong ang tunay na halaga nito ay P150 million lamang.
Eto ang problema sa mga negosyanteng Intsik tulad nitong mandurugas na si Dante Go, isama na natin ang number 1 smuggler sa ating bansa na si Lucio Lao Co, ayon na mismo kay Senator Alfredo Lim sa naganap na Senate Hearing kamakailan lang.
Marami pa ang mga manggagantsong negosyanteng malalapit daw sa Malacañang na ayaw magsibayad ng tamang buwis. Ilan sa kanila ay yung mga hipokritong agad tumugon sa panawagan ng Malacañang na mag-ambag ng donasyon sa Bayanihan Fund.
Kahit na mag-ambag ang mga ito ng milyun-milyong piso, wala ito sa katiting ng mga bilyones na kanilang nanakaw, pagsama-samahin na natin.
Tama ang sinabi ni LANCE GOKONGWEI, hindi sagot ang mga milyones na donasyon para sa bansa. Kailangan daw lang ay magsipagbayad ng tamang buwis ang mga negosyanteng tulad ni Dante Go, Lucio Co, et. al.
Dati rin po akong displayer ng TANG sa Unimart. Tumpak kayo Mr. Ben Tulfo sa sinabi nyo tungkol kay Dante Go. Standard Operating Procedure (SOP) sa kanila yung magnakaw ng espasyo sa eskaparate ng TANG noon.
Pag hindi nagawa ng ahente, displayer o coordinator ng Eight OClock noon na pag-aari ni Dante, tanggal siya sa kanyang trabaho.
Gawain nitong si Dante Go na pumunta sa mga supermarket. Dinuduro ang mga displayer ng TANG. Bukambibig nitong si Dante, magkano ka ba? Kaya naman yung mga alipores na sipsip kay Dante Go ay ganon din kabastos ang ugali. (name and cellphone number withheld).
Nagpapasalamat ako sa sangkaterbang mga impormasyong nagdagsaan sa BAHALA SI TULFO tungkol sa pandurugas ni Dante Go sa ating gobyerno. Kasalukuyan namin itong pinag-aaralan at iniimbestigahan pa.
Hindi dito nagtatapos ang aming paglalantad.