Republika ng Sugal (2)
September 16, 2004 | 12:00am
AGAD kong sinundan ang tungkol sa nalalapit na pagbabago ng pangalan ng ating bansa mula sa Repulika ng Pilipinas to Republika ng Sugal at ang pagtawag sa atin mula Pilipino papuntang Sugarol dahil sa tuluyang pagiging inutil ng kasalukuyang administrasyon sa paglaganap ng lahat ng uri ng sugal.
Patuloy ang pagkabigo ng Philippine National Police (PNP) sa pagpigil sa jueteng sa kadahilanang naparaming tiwaling opisyal ang nakikinabang, ganoon din sa lahat ng iba pang uri ng sugal gaya ng tsipipay na sakla na tiyak protektado rin ng ilang tiwaling opisyal at iba pang uri ng illegal na sugal pati na ang pabingo-bingo at pusoy o tong-its sa kanto ng mga kalye.
Puwera pa riyan ang mga tayaan sa ending, last two at iba pang mga illegal na sugal na hinuhuli lang kung kelan gustong maghanap ng konting kokotongan ang ilang pulis o di kayay magpapasikat sa media na merong panibagong kampanya.
Sa nakaraang column ay binanggit ko ang ginawa ng Pagcor na palawigin ang mga casino sa buong bayan, kasama na riyan ang mga slot machines arcade na nagsulputang parang kabute sa buong Metro Manila at tinabihan na ang ilang paaralan at pati na ang ilang simbahan.
Puwera pa riyan ang planong pag-convert into a mini Las Vegas sa malaking bahagi ng reclaimed area sa may Diosdado Macapagal Highway. Nakipagkutsaba na ang ilang mga miyembro ng administrasyon, hindi pa lang natin matiyak kung hanggang kanino aabot dahil Presidential Adviser pa ang sumalubong kay Stanley Ho ang gambling Lord ng Macau.
Plano rin ng katakut-takot na imbitasyon para sa mga opinion makers, kasama na raw ang ilang taga-media sa Macau upang matulungan silang "maintidihan bakit walang masama sa casino" at ng sa ganoon ay mabawasan ang bilang ng mga kumokontra ng conversion ng bansa natin into Republic of Sugal.
Tandaan nyo ho, huwag nyong ibenta ang kaluluwa sa demonyo, kahit gaano kalaki ang tanggapin nyo riyan, hindi nyo madadala sa hukay ang salapi nyo.
Ganuon din ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na hindi pa nakuntento sa lotto at gusto namang lumaganap ang Keno.
Karamihan sa binanggit ko ay alam na ng karamihan, pero minarapat nating ulitin kahit na nagmumukha na tayong makulit dahil mahirap nang makalusot ang iba pang plano nila upang palawigin ang industriya ng sugal dito sa ating bansa.
Marami rin tayong nakaligtaang ikuwento sa inyo, kasama na ang hotel diyan sa may Pedro Gil na hindi pa nagtatagal na bukas pero obvious na ang buong operation ay para sa casino lamang.
Pilit ding tinatago kung sino ang tunay na may-ari nito, napakarami kasi ng layer ng front nito pero sa kahuli-hulihan ay yun ding taga-Macau ang may-ari na nito. Lutong Macau na nga.
Wala pa ring humpay ang plano ng Pagcor na dagdagan ang kanilang mga outlet sa probinsiya at nakikipagkutsaba pa sa ilang mga gobernador at mga opisyal ng Turismo upang ma-justify ang pagbubukas nito.
Ewan ko lang kung turista o mga kababayan nating Pinoy este Sugarol ang magsisipasok diyan. Alam naman nating maraming mga nauulilang asawa ng mga overseas Filipino workers ang nalululong sa mga casino, lalo na sa mga slot machines.
Habang naghihirap ang kanilang asawa, sila naman ay nilulustay ang perang dugo ang pinuhunan sa mga casino na pinatatakbo at pag-aari ng gobyerno ng Republika ng Sugal.
Sana kung ang mga maglalaro lang ay mga dayuhan ay okay lang, wala akong pakialam sa kanila kaso nga lang karamihan ho sa mga nasisirang mga pamilya dahil sa pagsusugal sa mga casino ay pamilyang Pinoy at hindi pamilyang Sugarol.
Dahil diyan, napapanahon ho na pigilan natin ang lahat ng mga sugal na yan at dapat siguro mag-umpisa tayo sa Pagcor at PCSO. Bagamat ilang taon pa bago mag-expire ang franchise ng Pagcor, panay na ho ang kilos nila para maagang ma-renew.
Tanong ninyo bakit gusto nilang mapaaga, natural magandang pagkakataon ngayon, magulo ang bansa, daming crisis at bubuhusan lang nila ng ibat ibang social assistance kuno ay maraming masisilaw na opisyal at mamamayan.
Kaso tayo ho, alam nating hindi dapat, kinabukasan na ng bansang Pilipinas ang nakasalalay at wala tayong planong tawaging citizen ng Republic of Sugal. Sa pagkakaalam natin tayoy Pilipino at hindi Sugarol.
Kayo ho, payag ba kayong tawagin kayong Sugarol, text lang ng inyong kasagutan sa 09272654341.
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o kayay mag text sa 09272654341. Mapapakinggan nyo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended