^

PSN Opinyon

Makabagong dental procedures

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MALAKING tulong sa mga bungi at may maliliit na gilagid at buto ang makabagong proseso sa dental medicine na isinasagawa ni Dr. Noel Velasco na unang nag-introduce sa bansa ng TMJD (tempora mandibular joint disorder). Ang prosesong ito ay ang bone and tooth implant at gum augmentation o ang pagdadagdag ng gilagid.

Ipinaliwanag ni Dr. Velasco na madali at di dapat katakutan ang naturang procedures na ang layon ay magkaroon ng permanenteng ngipin, malusog at makapal na gilagid na pagpapatungang muli ng pustiso at ang muling pagpapalaki ng buto sa mukha. Sa ganitong paraan, ang mukha ng dental patient ay mababanat at para siyang nagpa-facelift. Napipigilan ang kanyang pagtanda o ang tinatawag na anti-ageing process dahil hindi na lumuluyloy, humuhumpak at nadi-deform ang mukha ng pasyente at dahil nga nababanat ay nawawala ang mga linya o kulubot sa mukha. Sa nabanggit na proseso ay naibabalik ang dating posisyon at laki ng ngipin, buto at gilagid ng pasyente.

Isa pang mahalagang feature nito ay nawawala ang mabahong hininga at iritasyon at mga singaw na dulot ng pustisong lumuluwang at nalalaglag. Napipigilan din ng TMJD ang pananakit ng ulo, leeg, balikat at likod at higit sa lahat, ang pangingiwi ng mukha at lock jaw. Para sa karagdagang kaalaman, matatawagan si Dr. Noel Velasco sa 913-4947 at 0917-8542274.

BUTO

DR. NOEL VELASCO

DR. VELASCO

GILAGID

IPINALIWANAG

ISA

MUKHA

NAPIPIGILAN

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with