^

PSN Opinyon

The 'Eight O' clock' story (3)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
HINDI ako magiging tapat sa aking sarili kung hindi ko pangangalanan itong taong bastos na dating nagmamay-ari ng "Eight O’clock" orange, siya si DANTE GO.

Hindi ko rin kayang sikmurain ang reklamo ng kanyang dating supervisor na si "Bert" na nakaranas ng kabastusan nitong si Dante.

Iba na ngayon ang nagmamay-ari ng "Eight O’clock" orange. Iba na rin ang pamamalakad at sistema ng naturang kompanya. Hindi tama na madamay ang kompanyang bumili ng "Eight O’clock" orange sa mga pinaggagawa nitong si Dante, nu’ng siya pa ang nagmamay-ari nito.

Kapag nagsasagawa raw ng "supermarket visit" sa Baclaran kasama ang sale staff, walang pakundangan kung laitin ni Dante ang kanyang mga tauhang Pilipino.

Ugali raw nitong si Dante, kapag nasa Baclaran na sila, tinatanggal niya agad ang kanyang relong "Rolex." Diretsong ibinubulsa sa takot na baka ma-snatch.
"Hindi puwede pagkatiwalaan mga Pilipino!" sumbat ni Dante.

Ayon kay Bert, kapag sila’y sumasakay na sa Lite Ace para bisitahin ang mga supermarket outlets, meron silang sinusunod na "seating arrangement" sa loob ng sasakyan.

Kinakailangan napapagitnaan si Dante ng kanyang mga Pilipinong tauhan. Kaliwa’t kanan, harap at likuran.
"Ginagawa niya kaming mga human shield sakaling may mag-ambush sa kanya." Ani ni Bert.

Dagdag pa ni Bert,
"kumbaga kaming mga Pilipino na hindi niya pinagkakatiwalaan ay ang magsisilbing kanyang panangga ng bala sa oras ng kagipitan para maiwasan si "kamatayan". Marami na raw kasing nasagasaan itong si Dante kaya’t nakikita ang kanyang pagiging segurista.

Kung pag-uusapan ang pagiging "sipsip" sa Palasyo ng Malacañang, lahat ng naging presidente simula kay Cory, Ramos, Erap hanggang kay GMA, kumpleto sa "photo files" itong si Dante.

Nakalimutan na yata ni Dante na ang lahat ng naging presidente ay mga Pilipino na kung tutuusin ay ‘yung lahing hindi niya pinagkakatiwalaan.

Kaya pati ang Bureau of Internal Revenue (BIR), hindi niya pinagkakatiwalaan. Kaya ‘ni singko wala itong ibinayad sa gobyerno.

Ito’y nu’ng naibenta niya ang kanyang kompanya sa halagang P1.9 billion, gayung ang tunay na halaga raw nito ay P150 million lamang, ayon sa kanyang accountant noon na si John C. Joven.

Ngayon nasa panahon ng "fiscal crisis" ang ating bansa, ‘yung ipinagmalaki ni Dante na siya raw ang nagbayad sa pamasahe ng mga "in-laws" at "yaya" ng first family sa China trip kamakailan, hindi ibig sabihin lusot na siya sa utang niya sa gobyerno.

Kinakailangang umpisahan na ng BIR ang kanilang trabaho nang makalikom ng pondo para sa ating gobyerno.

BACLARAN

BERT

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DANTE

EIGHT O

KANYANG

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with