EDITORYAL - Pabobo nang pabobo ang mga estudyante
September 15, 2004 | 12:00am
MARAMI sa mga nasa first year sa public high school ngayon ang hindi qualified para umakyat sa high school. Masakit mang sabihin pero maraming bobo lalo na sa mga subjects na English, Science at Math. Ang kahinaan ng mga nasa first year sa public high school ay nakita sa ginawang High School Readiness Tests (HSRT) noong August 31, 2004. Walumpong porsiyento ng mga kumuhang first year ay bumagsak. May 900,000 freshman ang kumuha ng HSRT. Ang ginanap na HSRT ay ikalawa sa taong ito. Ang unang pagsusulit ay ginanap noong May 24 at June 16. Mas marami ang bumagsak sa unang pagsusulit kaya nga inulit ito noong Agosto. Pero nakadidismaya na halos kaunti lang ang diperensiya. Sa 90 items na ibinigay (30 sa Science; 30 sa Math at 30 sa English) 19.75 percent lamang ang nakakuha ng passing score na 50 percent and above. Ibinaba na nga ang passing grade sa 50 mula sa 75 percent na target ng National Educational Testing and Research Center ng Department of Education (DepEd).
Ang pagbagsak ng mga estudyante sa unang HSRT ang nag-udyok kay dating DepEd Sec. Edilberto de Jesus para isulong ang bridge program. Sa bridge program, sasailalim ang mga hindi nakapasa sa HSRT sa isang taong tutorial. Kapag natapos na ang isang taong "tutorial" saka lamang makapapasok sa regular high school ang estudyante. Pero marami ang bumatikos sa "bridge program" kaya ginawa na lang itong optional. Maski ang Malacañang ay tutol dito. Sa kabila na marami ang tutol, may mga estudyanteng sumailalim sa bridge program at hindi na sila kumuha ng ikalawang HSRT. Tinatayang nasa 300,000 estudyante ang nasa "bridge program" ngayon.
Ang "bridge program" ni dating DepEd Sec. De Jesus ay okey naman sa bagong hirang na Education Sec. Florencio Abad. Itutuloy umano niya ito.
Kami man ay hindi sang-ayon sa bridge program sapagkat dagdag lamang ito sa gastos ng magulang. Imagine, kung isang taong sasailalim sa tutorial para makatuntong sa high school. Mas mainam pa kung dagdagan na lamang ng isang taon ang elementary.
Ilan pang paraan ay ang pagdadagdag nang mahuhusay na guro at mga textbooks na ginagamit. Ngayoy kapansin-pansin na wala nang mahuhusay na guro sapagkat nagsipag-abroad para kumita nang malaki. Ang mga textbooks ngayon ay maraming mali sa grammar. Ano ang aasahan sa ganitong nangyayari? Maaari bang makapag-produce na mahuhusay na estudyante kung walang mahusay na guro at de-kalidad na libro.
Ang DepEd ang nararapat kumilos para hindi nabobobo ang mga estudyante.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest